X

13 0 0
                                    

Oh! BTW my name is Jessica Mae Francisco. Freshmen palang ako sa pinapasukan kong University, medyo naninibago pero sakto lang. Mabilis kasi ako nagraoon ng mga kaibigan.

Laking lolo at lola kasi ako, sila mama at papa kasi masyadong busy sa trabaho kaya iniwan muna nila ko sa probinsya, kasama nga sila lolo at lola

14yrs old nako nung iniwan ako nila mama at papa kila lola. Medyo wala pa nga akong kilala dun kasi kakalipat ko lang, kaya stay at home lang ako. Nood nood ng T.V, suklay-suklay, papaganda, at kung ano-ano pang ginagawa ng mga teenagers.

Pero isang araw nang nagbabasa ako ng paborito kong magazine. Ay mayroong kumatok sa pinto "Jessica! pagbuksan mo nga yung kumakatok." Sigaw sakin ni lola na para bang importanteng importante yung tao nayon. "Opo!" sagot ko naman.

Dalidali kong binuksan yung pintuan at sinabing "Lola! may naghahanap po sayo!" nilakasan ko syempre baka kasi hindi madinig ni lola. Dalidali namang pumunta si Lola sa pinto upang kilalanin ang naghahanap sa kanya.

"Aba! Mr. and Mrs. De Vera napadalaw po kayo?" Bati ni lola na nakangiti at tuwang tuwa, para bang kilalang kilala na nya yung mga taong yon. "Dinalaw lang ho namin kayo para ho matignan kung okay lang po kayo." Sabi ng babae kay lola. "Oo nga po. Atsaka gusto din daw po kayo makita ni Paolo." Dagdag naman ng lalaking naka uniporme at necktie.

Napaisip ako "Sino kaya yung Paolo na yun? atsaka babysitter pala si lola dati?!" Habang pinapakinggan ko ang pinaguusapan nila.

"Ah tuloy po kayo, pasok po pasok." Sabi ni lola at sabay na tinanong, "Kumain na po ba kayo?" Habang sya ay nakangiti sa kanila. "Eh kumain na ho, pero gusto po talaga namin matikman yung luto nyo. Matagal tagal nadin po kasi nung matikman namin yung luto mo lola."

Nabored na ko at pumasok na sa loob ng kwarto ko, pero papatalikod palang ako may bigla akong napansin sa pintuan. Isang batang lalake na kasing edad ko at sobrang gwapo nya, na LFS (love at first sight) ako sa kanya. Pinakilala ni Mrs. De Vera sakin yung anak nya at ng naghandshake na kami, sobrang saya ko kasi nahawakan ko yung kamay nya.

ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon