Almost 6 years na nung huli kong nakita si Paolo, yung batang lalake na inalagaan dati ng aking lola. Kakatapos lang ng 18th Birthday ko at Collage na sa pasukan. Oh dito na nga pala ko sa manila nakatira kasi namatay yung lolo at lola ko 2 years ago. Kaya kinuha na ulit ako nila mama at papa dito sa manila.
"Nakakabored." Sabi ko sa sarili ko na para bang gustong gusto kong umalis at pumunta sa mall, pero wala akong kakilala dito. Tsaka subdivision pa itong tinitirhan namin kaya malabong magkaroon ako ng kaibigan dito.
Habang nakahiga at hinihintay kong sumarado ang aking mga mata. Biglang may tunog na nakakaasar ang aking narinig. Pag bangon ko nakita ko yung cellphone ko na umiilaw. Sabi ko sa sarili ko, "Baka sila mama at papa to, baka hindi sila makakauwi dahil magoovertime nanaman sila."
Habang nakakunot ang noo, binuksan ko ang cp ko at binasa ang text na nagpabangon at nagpawala ng antok ko. Isang random na no. lang ito at ang sabi ay Hi :). Nabadtrip ako dahil kasi sa text nato nawala ang antok ko at hindi nako makatulog.
Agad ko syang nireplyan nang "Sino kaba?! San mo nakuha no. ko? Atsaka alam mo ba kung anong oras na?!" Galit na nagpipipindot sa cp.
Biglang umilaw ulit ang cp ko at nagreply sya at sabi "Whoa! Kalma ka lang. Ako nga pala si Paolo De Vera. Naplug lang yung no. mo kaya nakuha ko." Nang mabasa ko yan biglang nag-flashback yung isip ko, naisip ko si Paolo na inalagaan ng lola ko at yung CHILDHOOD CRUSH ko.
Sa paglalim ng gabi pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Para bang nakakita ka ng multo o kaya lumalangoy ka na may humahabol sayo na 50 pating. Naisip ko "Pano kaya kung sya nga talaga yun, anong gagawin ko?" Gulong gulo na ang isip ko. Sa sobrang dami kong iniisip di ko namalayan nakatulog na pala ko.
*RINGGGGGG!!!!* Isang malakas na tunog na bumasag sa natutulog kong diwa. Pagbangon ko tinignan ko kagad ang cp ko, 8 messages, 12 missed calls lahat galing kay Paolo. Di ko nalang binuksan at baka sakaling hindi na nya ko itext.
Pagkatapos kong tignan yung cp ko, pumunta ko sa c.r at dun nagayos, pagkatapos bumaba ako at sakto nakahain na. Pero ako lang magisa ang kakain kasi busy nga sila mama at papa sa trabaho kaya maaga silang umaalis ng bahay.Sunday yon at naghahanda nako para magsimba, hobby ko kase yun eh na tuwing linggo nagsisimba.
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"