Kinabukasan. Maaga akong nagising para maghanda, naghanap ng isusuot para mamaya. Habang naghahanap ako ng damit biglang pumasok si mama.
"Anak! Anong nangyari dito? Bat gantong kagulo yung kwarto mo?" Sabi nya sakin, kasi ang gulo gulo talaga ng kwarto to parang dun naganap yung World War 3.
"Ah..ehh.. Aalis kasi ako mamaya ma hinahanda ko lang po yung mga gamit ko." Sabi ko sakanya
"San naman punta mo? Makikipag date ka siguro no!" Sabi nya sakin na may halong pang asar. Wala akong sinabi nginitian ko nalang si mama.
"Aba at dalagang dalaga na talaga tong anak ko." Sinabi nya habang nakangiti. "So ano san mo ba nakilala to? Anong itsura pogi ba? Mayaman?" Wow! Yung totoo ma imbestigador?
"Eh sa text lang po tsaka hindi ko pa po alam kung ano itsura nya ngayon palang po kami magkikita eh." Di ko sinabi kung sino talaga yun, tsaka baka hindi naman kilala ni mama.
"O sige anak, basta magiingat ka ha? Aalis nga pala kami ng papa mo pupunta kaming Baguio may aasikasuhin lang kami dun."
"Ha! Kelan po kayo uuwi? Atsaka pano ko?" Sabi ko na para bang naasar.
"1 week lang kami dun, tsaka wag kang magalala nandio naman si manang aalagaan kana, tsaka anak malaki kana kaya mo na yang sarili. Sige anak magaayos na kami ingat ka sa mamaya ha iloveyou nak."
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"