Habang naglalakad ako sa may tabing karsada nagaabang ng taxi, may isang lalake akong nakatabi at tila sasakay din ng taxi. Di ko nalang pinansin at nagearphone nalang ako tsaka mag patugtog.
Habang nasa maganda ng part yung kanta at bibirit na sana ako biglang may tumunog ng malakas senyales na may nagtext, nakatodo pa naman yung volume tsaka nakaearphone pako.
Tinignan ko at nakita ko na si Paolo ang nagtext (sinave ko na yung no. ni Paolo para alam ko na kung sino yung nagtetext) biglang nagiba ang ihip ng hangin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Sabi nya sa text "Hey. Anong nangyare sayo kagabi? Nakatulog kaba? Di ko nga pala natanong name mo :)" Ano kaya sasabihin ko sakanya? Tanong ko sa sarili ko. Nireplyan ko sya at sabi ko "Ahh.. Ako nga pala si Jessica Mae Francisco you can call me Jessica."
(Oh taray ng Lola mo diba?)
Nakasakay na ko ng taxi at nakababa nako sa simbahan na lagi kong pinagsisimbahan tuwing linggo pero di padin sya nagrereply. Sa isip isip ko, "Ano na kayang nangyari? nawalan ba sya ng load oh nagulat lang sya dahil ako yung apo ng babysitter nya dati?"
Tapos na ang misa at papalabas na ko ng simbahan ng biglang nagring ang cp ko. Tumatawag si Paolo! Shocks! Ano gagawin ko? Natatarantang sabi ko. Hinayaan ko nalang baka kasi napindot lang nya yun.
Habang naglalakad nako para kumain sa Jollibee, nagring ulit yung cp ko. Tumatawag ulit si Paolo. Pero this time sinagot ko na papaganda paba ko?
"Hello" sabi ni Paolo sa isang malambing na boses.
"H-hi" sagot ko na medyo garalgal ang boses dahil kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"