"So.. ikaw pala yung apo ng babysitter ko dati." Sabi nya, alam ko na nakangiti sya nun habang sinasabi nya yun.
"Ahh.. oo naalala mo papala ko? antagal tagal na nun ah?" Sagot ko naman habang naglalakad papunta sa aking kakainan.
"Oo naman. Bat naman kita makakalimutan?" Sabi nya habang tumatawa.
"Eh maiba nga tayo. Bat ka nga pala tumawag?"
"Ehh.. Gusto sana kitang yayain lumabas. Kung pwede sana?" Sabi nya na halatang kinakabahan.
"Ha? B-bakit naman? Tsaka bat ako sasama sayo ni-hindi panga kita ganung kakilala."
"Don't worry di naman ako masamang tao. Malinis intensyon ko sayo, tsaka makikipagkaibigan lang naman ako."
"Ayoko nga may gaga-" Bago paman matapos yung sasabihin ko bigla syang nagsalita. "Sige na Jessica, wala akong gagawing masama sayo. Gusto lang kitang makilala ng lubusan. Please." Sabi nya na parang bang anghel ang boses sa tenga ko.
Nakakain na ko at nakauwi bago ko sya nireplyan (ngapala sabi ko sakanya pagiisipian ko muna tapos binaba ko na yung tawag) inisip ko kung "Ano kaya yung isasagot ko? Pano kung di sya yun, pano kung ibang tao." Sa dami kong iniisip di ko na nacontrol ang sarili ko tinext ko sya, sabi ko "Oo na sige, baka kasi sabihin mo masungit ako."
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"