"Nandito nadin ako. Nasan kaba?" sagot ko naman. Nagmasid ako sa paligid at nakita ko yung lalaking nakasabay ko sa taxi. Baka si Paolo yun. Nagbakasali ako at tinawag ko PAOLO!!
Sya nga! Si Paolo nga, kanina ko pa pala nakita nihindi ko manlang namamalayan. (tanga tanga ko naman) "Hi." sabi ko na medyo may hiya factor. "So ikaw pala yung nakasabay ko kanina. Hahaha sabi ko na nga ba." Sabay ngiti sakin.
"Ako nga rin eh hehe, so Paolo De Vera anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?" Tanong ko habang nakangiti at nakatitig sa kanya.
"Eto patambay tambay sa bahay, palabas labas, kahit ako lang magisa."
"Bakit naman? Wala kabang kakilala dito?"
"Meron naman pero malayo yung bahay nila. Nasabi ko na sayo na sa isang subdivision ako nakatira kaya wala masyadong mga tao, kaya ayun walang kaibigan dun."
"Ahh. San nga ba yung subdivision mo?" Tanong ko habang nagbabakasaling dun din sya nakatira.
"Dun sa may Estella Subdivision." Kapag sinuswerte ka nga naman. Dun din sya nakatira sa may subdivision kung san din ako nakatira. Soulmate na nga kame! Chos! "Eh ikaw nga pala san?"
"Ako?.. Dun den ako nakatira. So ano tara na? Baka hapunin ako eh magalit pa sila mama?" Sabi ko para hindi halatang kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Ex
Romance"Lahat tayo galit sa EX natin. Dahil ba sa iniwan, niloko at pinaglaruan tayo? Pero what if dumating ang araw na sya nalang talaga ang masasandalan mo?"