Everything I Didn't Say – Chapter Three
We fell silent after I said those words. Umiwas lang siya ng tingin sa akin. I chose not to push her to tell things because we're not even friends. Malamang hindi ako ang pagkukwentuhan niya.
"Pipili raw mamaya kung sino ang may pinakamaganda at pinakamaayos na suot..." Bulong ni Mico sa amin sa likod. May teacher kasi sa gilid namin kaya kailangan Filipino. "Kaia, ikaw na 'yun panigurado."
"Maganda rin suot ni Ylona." Sagot naman ni Kaia.
"Mas maganda ka naman doon..." Natatawang sabi ni Mico.
Hindi ko na lang sila pinansin. I don't give a damn about this competition thing. May iba ngang naka-uniform lang. And it's not something so important so why bother.
"Kaia, nililigawan ka ba talaga nung senior natin?" Tanong ni Mico.
"Sinong senior?"
Kumunot ang noo ko. Ilang senior ba ang nanliligaw sa kanya?
"'Yung taga-Accountability..." Mico mentioned the section.
"Ah... Ewan ko. Binigyan na lang ako ng choco—tsokolate e." Bigla kasing tumabi sa kanya 'yung Filipino teacher.
Umiling na lang ako. Hanga na talaga ako sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya. Palagi na lang kasi siya ang pinaguusapan ng mga tao. Take note, she's still a grade seven student yet boys—including the seniors already like her.
"May games—palaro ba mamaya?"
Tumango ako. "You should ask Daisy about it—" Nabitin sa ere ang boses ko nang naglahad ng kamay sa akin ang Filipino teacher.
Shit.
Pumikit na lang ako nang mariin and handed her my I.D.
Narinig ko ang bungisngis ng mga kaklase ko sa likod. Even Kaia was laughing at me! Is it my fault that I grew up speaking in English?!
"Sto—Tumigil nga kayo..." I whispered angrily.
Tumigil na rin naman sila sa pagtawa dahil biglang tumahimik ang buong field. The principal is already giving her closing remarks. Tumingin ako kay Kaia. Nakangiti siya at para bang nasa isip pa rin ang pagkuha sa akin ng I.D kanina.
I want to be mad at her but I don't know why I can't. Maybe because I know that she's really sad right now and she's keeping it to herself. Tanga lang naman kasi ang hindi makakahalata na may problema siya. Pwede ring dahil lagi niya akong inaabala, alam ko kung kailan siya masaya o hindi.
After the ceremonies, we headed back to our own classrooms. Dumaan pa ako ng Student Formation Office para kunin ang I.D ko.
"Regret, kain ka na!"
Tumango lang ako kay Rayah. Hinanap ko si Kaia at nakitang kumuha ka pala siya ng pagkain sa lamesa. Umupo muna ako para pagmasdan siya.
"Hindi ka pa kakain?" Tanong niya sa akin pagkaupo sa tabi ko. Nakita kong sumubo siya ng Palabok.
Kinuha ko ang dalang baunan sa bag ko. Tumayo na ako para kumuha ng pagkain saka mabilis na umupo ulit sa tabi niya.
"Ezra, ikaw nagdala ng Menudo?" Dinig kong tanong ni Kaia.
"Oo. Masarap ba? Ako nagluto niyan!"
Tumango si Kaia. "Sobra!"
Masama ko silang tiningnan kahit wala naman silang ginagawang masama. Halata kasi kay Ezra na masaya siya sa compliment ni Kaia. Tss. Hindi naman si Ezra ang nagluto nito panigurado!
"Oh, bakit hindi mo ginagalaw 'yung Menudo mo?" Tanong ni Kaia sa akin.
"Hindi masarap." Simple kong sagot.
"Huh? Ang sarap kaya!" She exclaimed. "Akin na lang kung ayaw mo."
Iniwas ko ang baunan ko sa kanya.
"Ang damot mo naman!" Sabi niya pa. "Sayang naman kung hindi mo kakainin."
I looked at her coldly. "Oh ayan, kunin mo!" Masungit at iritado kong sabi tapos inabot sa kanya.
Pero mukhang hindi niya ata nakuha na naiinis ako. Ngumiti siya ng malaki. "Thanks, Regret!"
Tsk!
I just continued on eating. Iniisip ko kung bakit naiinis ako sa kanya.
Habang kumakain, narinig namin na may ina-announce sa intercom. I think they are announcing the winners.
"Sa mga babae, galing sa ika-pitong baitang, Akia Izanami Rio!"
Mabilis kong binalingan ng tingin si Kaia. Nabitin ang kamay niya sa pagsubo at kunot noong tumingin sa lahat. "Ha?" Taka niyang tanong.
"Congrats, Kaia!"
Tumingin siya sa akin. "Anong meron?"
"Sa mga lalaki, galing din sa ika-pitong baitang, Regret Sandoval!"
My lips parted. What the fuck?
"Uy tinawag ka rin!" Natutuwa niyang sabi sa akin. "Pero ano bang meron?"
"'Yung sinabi kong pipiliin kung sino may pinakamagandang suot!" Sagot ni Mico.
"Ah..." Kaia whispered. "Yie, parehas tayong nanalo." Asar niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako masaya na nanalo kami... or at least, her. If she won that stupid contest, mas malaki ang posibilidad na mas maraming makakakilala sa kanya.
Really, Regret? Why are you like that now? I thought you hate her?
I still hate her though. I hate her for being clueless with her surroundings. I don't know if she's really that innocent or she's acting like she doesn't know a thing. Nonetheless, I still hate her.
"Tss..." I whispered then rolled my eyes.
"So sassy, Sandoval." Natatawa niyang asar sa akin. "But you're not gay, right?"
Hinilot ko ang sintido. Bakit ba ang daming pumapasok sa isip ng babaeng 'to?
"Where did you get that fucking idea?"
She chuckled when she heard me curse. "Wala lang. You're so sassy kasi. Glad you're not gay. Sayang genes mo. I mean, I'd die for that face." Tapos tinuro niya ang mukha ko.
Namula ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pang-aasar pa ba 'yon o seryoso na siya but I would pick neither of the two. Ayokong isipin na niloloko niya lang ako. It would hurt my pride. I assumed, okay. Ayoko rin isipin na seryoso siya... Pakiramdam ko ay mas maaga akong mamamatay.
Daisy, the vice president of the class, called me. Sinabing sabihan ang mga kaklase na umayos dahil maglalaro na kami. Unang lalaruin ay Pinoy Henyo. Nagreklamo kaagad ang iba dahil masyado na raw luma ang larong 'yon. But Daisy assured them that we—or she planned many games.
"Bilis, pili na kayo ng partner niyo!"
"Anong prize?"
"Sir, plus points sa card grade!" Demand ni Mico sa adviser namin na teacher sa Math.
Natawa na lang ang adviser namin sa kalokohan nila.
Kaia looked at me like she's asking me to be her partner. I contemplated for a minute.
Fine.
I sighed heavily and nodded at her.
YOU ARE READING
Everything I Didn't Say (Regret Sandoval)
General FictionRegret Sandoval's Story. Forgetting Regret Sandoval in Regret's point of view.