Everything I Didn't Say – Chapter Four
Her chinky eyes widened. Gusto kong matawa dahil singkit pa rin ang mata niya kahit nanlaki na ang mata.
"Really?" Masaya niyang tanong.
"I think it's better if I was just joking." I said sarcastically.
She smiled genuinely. She's not faking it. Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Naninigurado lang!"
"Ngayon lang 'to. I know that you're going through on something." I said frankly.
Akala ko ay mawawala ang ngiti niya pero wala. She smiled. Fuck that smile.
"Okay. Thank you..."
I nodded. Nagrereklamo ang iba kong kaklase dahil bakit daw ako ang ka-partner ni Kaia. Na alam ko na raw ang ipapahula. I just informed them that Daisy planned the games alone. Nag-message lang siya sa group chat ng class officers na siya na raw ang bahala.
Nagbunutan kami para malaman kung sino-sino ang mauuna. Pangatlo kaming manghuhula.
"You'll guess." Tipid kong sabi kay Kaia habang nakatingin sa mga kaklaseng naghahanda.
"Ha?!" She exclaimed. "Dapat ikaw! Ikaw ang matalino sa ating dalawa!"
Seryoso ko siyang tiningnan. "Kaia, you're not dumb. Kung kaya kong gawin, kaya mo ring gawin."
She pouted. "Okay. Sabi mo e. Kaya ni Kaia."
Medyo nalito ako sa sinabi niya. "What?"
"I said, kaya ni Kaia."
I glared at her. "Stop messing with me."
Tumawa lang siya. Pinabayaan ko na lang siyang makipagusap sa mga kaibigan niya at pinanuod silang mag-laro.
Nauna sila Mico at Rayah. Mag-pinsan silang dalawa kaya palagi silang pagkasama. Ang nanay ni Mico ay kapatid ng tatay ni Rayah. Hindi sila magkaapelido but people brand them as Custodios-in-crime. Literal na nasa crime dahil ang taga-salo ni Mico sa kalokohan ay si Rayah.
"Ah pagkain?! Ay hindi? Ano?!" Natatawa sila dahil puro kalokohan ang lumalabas sa bibig ni Mico. Napapangiti rin ako. "Hayop? Humihinga ba?"
Mas lalo silang natawa. Loko-loko.
"May mata?!"
"Ano ba Mico, ayusin mo!" Rayah said angrily but she's also laughing.
"Parang tanga 'tong si Mico..." Natatawang bulong ni Kaia.
"Dalawa paa?"
"Oo!"
"Isda!" Nakakaloko niyang sagot.
"Mico naman eh!" Napapadyak na si Rayah sa paa niya dahil wala atang planong ipanalo ni Mico ang game.
Natapos ang dalawang minuto nang wala silang nakuha. Mico just laughed at her annoyed cousin.
"Philippine Eagle lang 'yan Mico!"
Natawa na rin ako dahil kay Mico. Siya talaga ang moodmaker ng klase namin.
The second pair almost didn't get it. Hinanap ko si Kaia at nakitang nakaupo na kaagad siya sa upuan sa gitna. Tsk. Parang kanina lang ayaw niyang manghula.
Umupo ako sa tapat niya. Bumunot siya sa flash cards na dala ni Daisy. Sinuot niya kay Kaia ang headband at doon dinikit ang papahulaan.
Maingat kong binasa ang huhulaan. Salumpuwet.
YOU ARE READING
Everything I Didn't Say (Regret Sandoval)
Aktuelle LiteraturRegret Sandoval's Story. Forgetting Regret Sandoval in Regret's point of view.