Everything I Didn't Say – Chapter Fifteen
Present time
"Wow! Fourth year na tayo, Regret!"
I smiled. Oo nga. Fourth year na kami itong taon na ito. Mabilis na lumipas ang mga araw... ni hindi ko man lang mapigilan ang pagdaan nito. Parang kahapon lang.
Ibig sabihin, ilang taon na rin akong nakararamdam ng sakit. Mabuti na lang at nitong mga nakaraang taon, bumubuti ang kalagayan ko. Hindi na ako basta-bastang inaatake ng sakit—maliban kung may kinain akong hindi pupwede sa akin.
"Four years na rin kayong friends ni Chesca," Bigla niyang ungot tapos ngumuso.
Natawa ako. Apat na taon na rin niyang issue sa buhay 'to.
Naging magkaklase kami ni Chesca Tio—anak ng doktor ko—noong first year hanggang second year. In third year, we were not classmates but we were constantly talking until now. At first, she did not know that I was her father's patient until a sudden attack. We were having a group discussion when I needed immediate attention.
"Selosa," I uttered.
"Tss... Kapag talaga ako nagkaroon ng manliligaw!"
Biglang nagbago ang timpla ko.
"Oh tingnan mo? Tsk. Huwag kang magsalita ng tapos, Regret."
I was about to say something when someone called my name.
"What now, Pierre?" Bagot kong tanong dito.
Kumunot ang noo ko nang mahuli ang kanyang tingin sa matalik kong kaibigan. Mas lalo pang nagtaka nang titigan niya talaga ito nang matagal.
"Pierre." I called him. "Why are you here?"
"Oh, yeah." Napakamot siya sa batok niya saka tumingin sa'kin. "Professor Archie said that you should drop by the faculty so he can give you the form for the competition."
"Alright. Thanks." Nang hindi pa siya umaalis, nagsalita na ako. "You can go now."
Saglit siyang tumingin kay Kaia bago umalis. Nakita ko namang nakatingin din si Kaia habang papalayo si Pierre sa amin.
"Hoy." Tawag ko sa kanya. "Ano'ng tini-tingin tingin mo diyan?"
She chuckled. "Pogi no'n ah. Kaklase mo?"
"Why? Are you interested?"
"Hmm... Medyo. Iba tumitig, e."
At parang tuwang-tuwa pa siya!
"Don't go with that guy, Kaia. He's a playboy."
"Sino bang nagsabi na sasama ako doon? Nagtatanong lang naman."
But to my horror, few weeks after that encounter, I heard some gossips that a Biochemistry student is courting the college sweetheart. Iisa lang naman ang college sweetheart dito sa amin at iyon ang taong pinakai-iniingatan ko.
"Stop seeing my best friend, Carlos. You're just going to break her heart."
He smirked. "Sino ka para sundin ko?" He asked. "Best friend ka lang naman ah?"
It's my turn to smirk now. "Hindi mo magugustuhan ang maririnig mo kapag sumagot siya sa kung sino ang pipiliin sa ating dalawa."
"You are really cocky, Sandoval," He gritted his teeth.
I tapped his shoulder. "Anything for my girl." I whispered then turned my back.
***
"Ano 'yung naririnig ko na pinigal mo si Pierre ligawan ako?"
YOU ARE READING
Everything I Didn't Say (Regret Sandoval)
Aktuelle LiteraturRegret Sandoval's Story. Forgetting Regret Sandoval in Regret's point of view.