Chapter 1

110 3 3
                                    

#IloveyoumyEnemy

Charmel's POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Kasabay nun ang pagtilaok ng manok kaya agad na akong bumangon at dumungaw sa bintana.

And there, I saw how my father feeding his kids, ang kaniyang mga alagang manok. Nagtataka na nga ako kung kami ba talaga ang kaniyang tunay na mga anak, hays. Kulang na nga lang eh, pag-aralin niya ang mga ito. But nevertheless I still owe him a lot.

Agad namang nag-angat ng tingin si papa at nginitian ako, nginitian ko rin siya pabalik. Napagdesisyunan ko nang bumaba at nadatnan ko si mama sa kusina.

"Goodmorning ma." Bati ko kay mama at niyakap siya.

"Magandang umaga rin anak. Sige na umupo ka na diyan at ipaghahain na kita nang makaalis ka na." Wow naman. Sobra-sobra na po ba talaga ang paghihirap niyo sa akin? Pero bakit parang kasalanan ko?

"Hindi naman po masyadong obvious na ipinagtatabuyan niyo ako ma. Nawalan na po ako ng gana." Dali-dali akong tumayo at akmang aalis na. "Charot! Hahaha. Pabibo din ako ma eh no? Sige na ma baka mahuli pa po ako sa flight ko." Bawi ko naman agad.

"Sira ka talagang bata ka. Mana ka talaga sa tatay mo." Natatawang sambit ni mama.

"Aba! Bakit parang kasalanan ko?" Clueless na sabi ng kadadating lang na si papa habang nasa kaliwang dibdib ang kamay niya.
"At anong flight ang pinagsasabi mo diyan? Eh, bus lang naman ang sasakyan mo." Dagdag pa niya at naupo na.

"Panira ka talaga papa. Eh kesa naman yung mga manok mo ang sakyan ko papuntang Maynila." Sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Ayaw mo nun tipid sa gasolina." Napangiwi na lang ako.

"Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Bilisan mo na diyan Arturo at nang maihatid na natin yang si Charmel." Nakita ko naman agad kung paano napawi ang ngiti ni papa dahil sa tawag ni mama sa kaniya. Ngingiti-ngiti naman si mama paalis ng kusina.

"Oo na Carmelita!" Ganti ni papa. Hindi pa man nasusubo ni papa ang pagkain eh agad na may lumipad na walis at tumama ito sa ulo niya. "Tignan mo to!" Pagmamaktol ni papa.

"Isa pa talaga Arthur at ang mga manok mo na talaga ang ihahagis ko sayo!" Sigaw ni mama. Agad namang natikom ni papa ang kaniyang bibig. Pagdating talaga kay mama eh tiklop agad si papa.

"Wala ka pala pa eh." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Alam mo anak, kumain ka na lang diyan para naman gumanda ka." Ganti ni papa. Psh! Hindi naman masaket.

Nang maayos na ang lahat ay nakahanda na kami para umalis.

"Ah ma. Hindi po ba sasama si Matthew?" Tanong ko kay mama habang isinusukbit ko ang aking bag.

"Ay oo nga pala anak. Hindi daw siya makakasama sa paghatid sa iyo dahil may importante siyang lakad ngayon." Sagot ni mama. Nakakatampo naman kung kailan hindi na kami magkikita saka naman siya wala.

"Okay ka na ba anak? Hindi mo ba isasama ang ate mo?" Si papa. Ay! Oo nga pala. Hindi pwedeng hindi ko kasama si ate.

"Siyempe isasama ko po si ate." Agad ko namang kinuha ang isa sa mga litrato ni ate na nakasabit sa dingding. Asus, ang saya-saya naman ni ate.

Paglabas ko ay agad na napaawang ang aking bibig. abcdHIV!

"Naks! Na-touch naman po ako papa, mama. Nag-abala pa po kayong magrenta ng jeep. Hays, so much appreciated." At nagpatiuna na akong maglakad ngunit bago pa man ako makalapit sa jeep ay bigla akong tinawag ni mama.

I love you my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon