Chapter 10

19 2 0
                                    

#IloveyoumyEnemy

Ngayon na ang simula ng klase kaya naman abala na ang mga estudyante sa paghahanap ng kani-kanilang mga classrooms. Magkasama kaming tatlong umalis kanina pero agad na humiwalay si A nang mahanap na niya ang room niya. Dahil sa hindi naman ako gustong makasama ni Jai eh humiwalay na din siya sa akin kahit na parehas lang naman kami ng pupuntahan na building. Mabuti na rin yun nang sa gayun eh hindi na kami magkagitgitan pa.

Ilang sandali pa'y nahanap ko na ang room ko. Nakita ko si Jai. Napatingin ako sa kaniya ngunit dali-dali siyang pumasok sa room na katabi lang ng room ko na para bang hindi niya ako nakita. Nasa L1 ako habang siya ay nasa L2. Napailing-iling na lang ako.

Pumasok na ako sa room at iilan pa lang ang mga kaklase kong nandito. Wala parin ang instructor namin. Nakahinga naman ako ng maluwag. Naupo ako sa may bintana, ang paborito kong spot. Ang sarap kasing umupo sa may bintana dahil alam mo kung ano ang mga nangyayari sa labas at isa pa makakalanghap ka rin ng sariwang hangin lalo na't mapuno ang eskwelahang to.

Karaniwang makikita sa unang araw ng klase ang nasasaksihan ko ngayon. May mga parehas kong nakaupong mag-isa dahil sa wala pang kakilala. Mayroon ding dalawang estudyanteng magkatabi na mahinang nag-uusap na animo'y kinikilala ang bawat isa. At may mga grupo narin ng mga estudyanteng masayang nag-uusap na parang matagal nang magkakilala.

Dahil sa wala naman akong magawa ay kinuha ko muna ang aking cellphone sa aking bag at binasa ang isang unread message na galing kay ate Shayne.

From: Ate Shayne
Sabay tayong maglunch later with A and with that Jai.

Parang naririnig ko talaga ang tono ng boses ni ate Shayne sa message niyang and with that Jai. Talagang hindi niya talaga gusto si Jai.

Dahil sa wala na akong load ay hindi ko na nagawang replyan si ate Shayne.

Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng sa pansin ko ay nasa mid 20's pa. Napaayos naman ng upo ang mga boys na parang nagpapa-impress sa kaniya. Hindi rin kasi maitatangging ang ganda ni ma'am.

Inilapag niya ang kaniyang mga gamit sa mesa at saka nakangiting humarap sa amin. Dun ko lang napansin na may dimples din pala siya. At parang pamilyar siya sa akin. San ko nga ba siya nakita?

"So goodmorning everyone, I am Ms. Francine Ramos, your instructor for this subject. And FYI, this will be my first time teaching, so please take care of me." Nakangiti niyang pakilala sa amin dahilan upang lumitaw na naman ang dimples niya.

Hindi naman magkaugagang sumagot ang mga boys.

"Aba siyempre po!"

"Single ka pa po ba ma'am?"

"Mahal na kita agad ma'am!"

Nabalot ng tawanan ang room dahil sa sunud-sunod na sagot ng mga ito. Pati ako ay natawa na rin.

---------
Natapos na rin ang session naman kay Ms. Ramos. Wala naman masyadong ganap dahil first day of class pa naman. Tamang attendance lang at pakilala sa isa't-isa. I looked at my wrist watch and it's still 10:30 in the morning maaga pa para maglunch.

Tumayo na ako. Paglabas ko ng pinto ay agad na sumalubong sa akin ang pinagkakaguluhang si ate Shayne. Halos mapuno ang hallway ng mga estudyanteng nakikipagselfie sa kaniya at ang iba ay nagpapa-autograph. Sa agam-agam ko'y mga freshman ang mga ito.

Napabaling sa akin si ate. Nang makalapit na siya sa akin ay inakbayan niya ako.

"Let's go?" Nakangiti niyang sabi. Tumango ako bilang sagot.

Narinig ko naman ang mga buntong hininga at mga bulung-bulungan ng mga estudyanteng fail na makipagselfie at autograph kay ate Shayne.

Napatigil kami sa paglalakad nang sakto ring lumabas sa room nila si Jai. Ngayon lang pala sila natapos. Ako na ang nagkusang loob na kausapin si Jai dahil alam kong walang balak gawin ito ni ate.

"Jai, sabay na tayong maglunch." Akala ko ay hindi niya ako kikibuin. Nagulat na lang ako nang tinanguan niya ako at sumabay sa amin sa paglalakad.

Narating namin ang cafeteria na hindi halos nagkikibuan. Wala pa naman halos estudyante dahil alas dyes pa naman ng umaga. Naupo kami sa pang-apatang mesa para sakto kami.

"How's your first day?" Tanong sa akin ni ate Shayne nang makaupo na kami.

"Okay naman po. Ang ganda nga ng instructor namin eh." Pagmamalaki ko sa kaniya. Nakita kong lumabi si ate Shayne.

"Prettier than me?" Biro ni ate shayne.

"You're beyond beautiful Miss Shayne." Nagulat kaming dalawa nang biglang magsalita si Jai. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ni ate Shayne. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa labas.

Gayunpaman ay hindi maiwasang mapangiti ni ate Shayne sa itinuran sa kaniya ni Jai.

"How about you Jai?" Gulat na napabaling sa amin si Jai nang sambitin ni ate Shayne ang pangalan niya.

"Okay lang din naman." Malapad niyang nginitian si ate. Sa ngayon ay may sinseridad na sa ngiti niya. Napatango-tango si ate.

"Ah ate alam na po ba ni A na dito natin siya hihintayin?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, I already told her about this since we're on the same building. Nauna lang ako para sunduin ka." Napangiti ako sa sinabi ni ate. Oo nga pala, pareho lang pala sila ng course. Naks! May instant nanay at ate naman pala ako dito.

And speaking of, dumating na si A. Nagpalinga-linga siya sa paligid na hinahanap kami. Napupuno na din kasi ng mga estudyante ang cafeteria dahil saktong alas onse na. Kinawayan namin siya. Nagliwanag naman agad ang mukha niya nang makita kami.

"Hello wazzup mga kabobo!" Bungad niya sa amin.

"Hello din pinakabobo!" Bati ko sa kaniya. Natatawa niya akong inirapan at saka naupo.

"Natagalan ako kasi dalawa pala ang subjects namin ngayon. At saka ayaw ko na ngang matapos ang last subject namin ngayon eh." May pagtataka namin siyang tiningnan. Bakas sa mukha niya ang pagkadismaya pero hindi parin maitatago ang kilig neto.

"Bakit?" Si Jai na ang nagtanong.

Napalitan na ngayon ng ngiti at kilig na kanina ay dismaya sa mukha niya.

"Kese nemen... charot! Ang gwapo kasi ng instructor namin!" Kilig na kilig na sabi niya at impit pang napatili habang nakahawak sa magkabilang pisngi ang mga kamay niya. Bahagya pa ngang napalingon sa gawin namin ang ibang estudyante.

"Talaga?!" Sabay na sambit namin ni Jai. Nagkatinginan kaming dalawa. Nakalimutan namin saglit ang tensiyon sa pagitan namin. Mukhang sa gwapong lalaki yata kami magkakasundo neto.

Kilig na kilig na tumango si A. Kaya naman ay impit din kaming napatili ni Jai.

"Hey girls, it's just a man. Don't be too hysterical. Umorder na tayo." Kontra sa amin ni ate Shayne. Napaka-protective naman ni ate.

Napalabi kaming tatlo.

"A handsome man Miss Shayne, just so you know." Angal naman sa kaniya ni Jai. Pareho kaming napatango ni A na sinang-ayunan namin ang sinabi ni Jai.

"At saka crush lang naman Miss Shayne." Dagdag naman ni A.

Pinanliitan kami ng mata ni ate Shayne kaya naman ay sabay-sabay kaming napayuko. Narinig namin ang pag-usog ng silya hudyat na tumayo na si ate Shayne kaya napaangat kami ng tingin at sumunod na sa kaniya upang umorder.

I love you my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon