#IloveyoumyEnemy
Nagising ako nang may maulinagan akong nag-uusap. Tumagilid ako paharap sa pinto upang makita kung sinu-sino ito na kapwa nakaupo sa kama. Nakilala ko naman agad si A na nakatalikod sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang kausap niya dahil nahaharangan niya ito. Kaya naman ay bumangon ako pero nanatiling naupo sa kama.
"Bakit ngayon ka lang dumating?" Rinig ko pang tanong ni A.
"Eh kasi tinapos ko pa ang last shift ng trabaho ko dun." Sagot naman nung babae.
Napansin yata ng babae ang paggalaw ko kaya napatingin ito sa akin. Namukhaan ko naman siya dahil siya yung nakita kong kasama ni A sa isa sa mga vlogs niya. Sigurado akong siya si Jai.
Napalingon rin sa akin si A nang napansin niyang may tinitingnan si Jai.
"Gising na pala siya!" Sambit ni A at dali-daling nagtungo sa akin at hinila ako patayo at lumapit sa kinaroroonan ni Jai.
Hindi ko maiwasang purihin siya dahil sa singkit niyang mga mata, ang hanggang beywang niyang buhok at ang maputi niyang balat na mas lalong nagpapatingkad sa kaniya. Hindi rin mapagkakailang medyo may pagka-chubby siya pero bagay naman ito sa kaniya.
"Jai siya yung sinasabi ko sa'yo kanina na bagong roommate natin. Meet Charmel Blanco." Pagpapakilala sa akin ni A.
Nginitian ko siya bilang pagbati. Ngunit nagulat ako nang pasimple niya muna akong inirapan. Totoo ba yun? o guni-guni ko lang? Gayunpaman ay nagbulag-bulagan na lang ako.
Naupo ako sa tabi niya at pilit na iwinawaglit ang kakaibang nararamdaman ko tungkol sa kaniya.
"Tama nga ako. Ikaw nga si Jai." Nakangiti kong simula sa kaniya.
"Yes, I am Jairah Lopez." Maarte niyang sabi. Dun ko lang napansin na may braces din pala siya.
Inilahad ko ang aking kamay para makipagkamay. Tiningnan niya muna ang kamay ko bago tumugon. Nabigla ako nang dali-dali niyang binawi ang kamay niya na para bang nandidiri sa akin. Napatingin ako kay A na nakaupo na sa kama niya. Ngunit nakangiti lang ito sa amin, hindi napapansin ang mga ikinikilos ni Jai. Ayaw kong magtanim ng hinala kaya isinawalang bahala ko na lang ito at nginitian si A pabalik.
"Paano mo siya nakilala Cham?" Tanong sa akin ni A.
"I visited your channel last night and I bet na si Jai yung babaeng kasama mo sa isa sa mga vlogs at hindi naman ako nagkamali. At saka sinusubscribe na din kita para hindi mo na ako pilitin." Napangiwi siya sa huli kong sinabi pero bakas parin sa mukha niya ang galak.
"Woow talaga! Hayaan mo ililibre kita ng kape." Masaya niyang sabi.
"Aasahan ko 'yan." Napangiti ako at binalingan si Jai na walang imik. Ngunit nandiyan na naman yung pasimpleng pag-irap niya sa akin. Ano bang problema ng babaeng to?
Hanggang sa mag-agahan at hanggang sa makarating kami sa school grounds ay hindi parin ako pinapansin ni Jai. Nagagawa niya lang akong kausapin kapag patungkol na sa akin ang sinasabi ni A. Hindi rin maiwasang mahagip ng aking mga mata ang mga simpleng pag-irap niya sa akin kapag nagtatawanan kami ni A. Hindi ko talaga magets ang babaeng to. May pagkakataon pa ngang agad niyang kinukuha ang atensiyon ni A o bigla-biglang sumasapaw kapag napapansin niyang napapasarap na ang usapan namin.
Bukas na ang simula ng klase kaya halos lahat ng mga estudyante ay kaniya-kaniya ng punta sa registrar's office upang kunin ang mga schedules nila. Kasalukuyan na rin kaming papunta doon upang makuha narin ang mga schedules namin.
Hindi na talaga kami mabibigla kung ang haba-haba na ng pila ng mga estudyanteng nakapila ngayon sa registrar's office.
--------
After 1234567 years ay nakuha narin namin sa wakas ang pinakahihintay naming schedules.
BINABASA MO ANG
I love you my Enemy
RandomNothing would be impossible if you have the pursuance in proving your love to someone. But how can you achieve its flaming stand if fulfilling what you really feel for someone is like telling a joke? Relationship maybe cruel sometimes but eventually...