Chapter 7

50 2 0
                                    

#IloveyoumyEnemy

Kanina pa nakaalis si ate Shayne kaya dahil sa wala akong magawa eh nagtungo muna ako sa kusina para maghalungkat ng kung anong pwedeng lutuin. Napagdesisyunan kong ako na ang magluluto mula ngayon para naman may matino na kaming makain.

Inisa-isa kong binuksan ang mga cabinets. Mang ina! Tumambad agad sa akin ang mga iba't-ibang de lata at instant noodles. Buti at hindi nagkasakit sila A neto. Dahil sa wala namang pwedeng lutuin eh I decided na lumabas muna at bumili dahil nakita ko sa mapa na may mini market sila dito. Alas dos pa naman ng hapon.

Pinuntahan ko muna si A sa kwarto para makapagpaalam at nadatnan ko siyang nag-eedit ng video sa laptop niya na nakaupo sa kama.

"A? Bili muna ako nang makakain natin." Nabaling ang atensiyon niya sa akin.

"Sa pagkakantanda ko Cham eh may stock pa naman tayong can goods at instant noodles diyan." She answered at nagsimula na uling mag-edit.

"Sobrang unhealthy kaya nun. Lalo na ikaw, alam kong yan lang din ang palagi mong kinakain. Kaya punta muna ako sa mini market ah." Pangungumbinsi ko pa sa kaniya at saka nagtungo sa drawer ko para kunin ang mapa.

"Kung ganun eh samahan na kita."
Dali-dali ko siyang pinigilan.

"Huwag na A, tapusin mo na lang yang ginagawa mo. At saka meron naman na ako neto." Pigil ko sa kaniya habang inwinawagayway ang hawak kong mapa.

"You sure?" Paninigurado niya.

Nagthumbs up lang ako at lumabas na ng kwarto. Dalawang araw na lang bago magpasukan pero wala parin yung Jai. Tiningnan ko na lang yung mapa para makapunta na sa mini market.

Marami-rami narin akong nadadaanang mga estudyante. Salamat naman at nakarating ako nang matiwasay sa mini market. Mas lalo akong namangha nang sa hindi kalayuan ay may dalawang bank machines at isang pera padala akong nakikita. Wala na, ubos na ang bilib ko sa school nato.

Dahil nga sa madami-dami na ang estudyanteng nandito ay mahaba-haba rin ang pila sa bilihan ng karne ng baboy at manok pwera nalang sa bilihan ng isda na walang masyadong nakapila.

Inilibot ko muna ang aking paningin nang may nahagip akong stall ng aking paboritong kettle korn. Dali-dali akong nagtungo run at agad na dinampot ang nag-iisa na lamang cheese flavor pero nagulat ako nang may nakasabayan akong dumampot nun. Inis kong tiningnan ang may-ari ng kamay na nakasabayan ko. At mas lalo lang lumiyab ang aking inis nang mapagtanto ko kung sino ito.

"Bitiw." Maawtoridad kong sabi at matalim siyang tiningnan. Pero ang kolokoy ay nakuha pang bumelat sa akin. Tsk, isip bata pala to eh. Masasapak rin kitang kolokoy ka.

"Kuya, kukunin ko to." Sabi niya kay kuya na parang siya talaga ang nauna dito.

"Hoy mister ako ang nauna rito!" Inis kong sambit at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak ko. Naramdaman niya yatang humigpit yung pagkakahawak ko kaya mas lalo niya ring hinigpitan.

"Kuya ano na, eto bayad ko." Pilit niyang iniaabot ang kaniyang bayad pero si kuya ay nanatili paring nakatingin sa mga kamay naming parehong nakahawak. Napakamot siya sa kaniyang ulo na para bang nalilito kung sino ang pagbibigyan niya neto.

Ilang segundo rin kaming naggitgitan.

"Hija, hijo. Pwede pa naman tayong gumawa ng isa pang cheese flavor." Pang-aalo sa amin ni kuya. Pahiya kami dun ah.

"Sa kaniya na po yun. Nagmamadali po kasi ako at ayoko nang naghihintay." Aba't mapride din itong kolokoy na to ah. Ako nalang yung nag-give way dahil baka hindi ako makapagtimpi at masasapak ko na to.

I love you my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon