#IloveyoumyEnemy
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dumiretso na ako sa next class ko. Hindi ko hahayaang ang kolokoy na yun ang magiging dahilan na makapagcutting classes ako.
Maagang natapos ang klase namin kaya naman ay dumaan muna ako sa mini market para bumili ng karne ng manok. Ngayon ko na lulutuin ang naudlot kong adobo. Pakanta-kanta akong naglakad patungong dorm. Masaya ako kasi hindi ko na ulit nakasalamuha ang kolokoy na yun.
Nang makarating sa dorm ay agad kong binuksan ang pinto. Nadatnan ko sina Jai at A na masayang nag-uusap sa mini sala na magkaharap. Napatingin silang dalawa sa akin. Napawi ang ngiti ni Jai nang makita niya ako. Dali-dali siyang tumayo at agad na pumasok sa kwarto. Akala ko pa naman okay na kami. Hindi ko maiwasang malungkot.
"Ano 'yan?" Baling ni A sa dala ko.
"Magluluto ako ng adobo ngayon." Pilit kong pinasigla ang boses ko upang maitago ang lungkot. Alam kong kukulitin lang ako ni A kapag naulinagan niyang may bahid ng lungkot ang boses ko.
"Naks naman! Pang wife material ang datingan. Sigurado akong mas magugustuhan ka ni Luke." Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi ko gusto ang tabas ng dila ni A ah.
Patay malisya niya akong tiningnan at saka kinuha mula sa aking kamay ang binili ko at nauna nang pumasok sa kusina. Sumunod naman ako sa kaniya.
"A, nakakadiri yung sinabi mo. May girlfriend na yung kolokoy. At saka isa pa hindi pa nga kami lubusang magkakilala eh." Inilagay na niya sa lagayan ang manok at saka hinugasan.
"Sineryoso mo talaga yun Cham?" Inungusan ko siya dahil sa mapanukso niyang titig.
"Nope. I just defended myself." I flipped my hair. Natawa siya dahil sa ginawa ko.
"Kung ako sa'yo, magbibihis muna ako." Napatingin ako sa kabuuan ko. Oo nga pala, hindi pa pala ako nakabihis.
Iniwanan ko muna siya sa kusina. Nadatnan ko si Jai sa kwarto na nakahiga sa kama niya habang nagce-cellphone. Dahil sa hindi niya rin naman ako kakausapin ay dumiretso na ako sa cabinet ko at kumuha ng pamalit at pumasok sa banyo.
Matapos kong makapagbihis ay binalikan ko na agad si A baka kung ano pa ang gawin niya sa manok.
Nakita ko siyang nakaupo sa mesa na nakapanghalumbaba.
"Simulan na natin. Ako lang pala." Inihanda ko na yung mga sangkap.
"Nandito lang ako Cham. Moral support hahaha. Ay teka! I-vlog ko na lang to." Hindi pa man nakakatayo si A ay pinigilan ko na siya.
"Huwag muna ngayon A, may sasabihin kasi ako sa'yo." Napaayos siya ng upo.
"Spill it."
"Diba naghahanap ka pa ng ipapalit dun sa isang waitress niyo? Eh wala rin naman akong klase every saturday and sunday. So I decided na ako na lang ang papalit dun para naman may pagkaabalahan ako sa mga araw na yun since may pasok rin kayong tatlo nun. Okay lang ba?" Simula ko kay A habang isinasalang na ang manok.
"Ikaw nga dapat ang tanungin ko niyan eh. Okay lang ba sa'yo?" Pabalik niyang tanong sa akin.
"Siyempre naman. Kaya ko nga sinasabi sa'yo to." Sagot ko habang abala pa rin sa pagluluto.
"Pero ang tanong, okay rin ba kay Miss Shayne? And speaking of Miss Shayne, bakit parang ang close niyo na sa isa't-isa at ate pa talaga ang tawag mo sa kaniya?" Mapapasubo na naman yata ako sa storytelling neto. Inilapag ko muna ang sandok na hawak ko at saka naupo.
Sinimulan ko nang ikuwento sa kaniya ang lahat simula nung unang pagkikita namin ni ate hanggang sa pagstay ko dun sa condo nila ng isang araw at kung paano ko siya natawag na ate.
BINABASA MO ANG
I love you my Enemy
AcakNothing would be impossible if you have the pursuance in proving your love to someone. But how can you achieve its flaming stand if fulfilling what you really feel for someone is like telling a joke? Relationship maybe cruel sometimes but eventually...