#IloveyoumyEnemy
Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. Umungol ako na parang pinapatigil siya. Pero masyadong matigas ang ulo ng isang to at di parin tumigil sa pagyugyog.
"Wehee cham! Ano pumunta ka lang ba dito para matulog nang matulog?" Rinig kong sambit niya habang patuloy parin sa paggising sa akin. Hindi pa nakuntento at tumalon-talon pa sa kama ko. Parang isang kindergarten yata yung naging roommate ko.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko pa lubusang makita nang malinaw ang paligid dahilan upang hindi ko masyadong maaninag ang mukha nang taong nambulabog sa tulog ko. Nakadapa ang posisyon ko at nakaharap ang ulo ko sa pinto. Pero ang lahat ay may hangganan dahil bumulaga agad sa akin ang mukha nang gumambala sa akin.
"Ano ba A! Inaantok pa ako." Antok na antok na sabi ko habang sumisipa sipa.
"Gagi! Antok na antok ka pa sa lagay na yan ah. Para sabihin ko sa'yo ginising na kita dahil baka makalimutan mo nang gumising." Depensa niya at bumalik na sa kama niya. Anong ibig niyang sabihin? Pasimple kong kinatok ang headboard ng kama baka magkatotoo pa. Pwera usog.
"Bakit? Anong oras na ba?" Walang gana kong sambit habang nakapikit.
"Oras na para tumayo ka na diyan at nang makakain na tayo. Mag-aala siyete na ng umaga. Masyado ka yatang nawili sa pagtulog." Agad kong naimulat ang aking mga mata pagkasabi niya nun. At agad din akong napabalikwas ng bangon.
Mang ina! Ang haba pala ng naitulog ko. At ang masaklap hindi ako nakapag hapunan kaya pala parang nanghihina ako at kumakalam na ang aking tiyan.
"Nakapagluto ka na ba diyan?" I teased her. Tumayo siya at hinila na ako.
"What do you think of me? Thinking of you? Hahaha. Siyempre naman." Proud niyang sabi. Sana naman hindi matulad to kay ate Shayne.
"Mabuti naman kung ganun. Pagkatapos ay magwalis ka sa labas inday." Panunukso ko pa sa kaniya.
She just laughed at me at hinampas na naman ako.Agad na kaming naupo nang makarating kami sa kusina. Bitbit na naman niya ang kaniyang camera.
Ayos naman pala itong magluto si A! Pwede na din kahit simpleng itlog at hotdogs lang. Atleast naman hindi nakakatakot kainin.
Kukuha na sana ako ng kanin nang bigla na lamang sinupalpal ni A ang kamay ko.
"Wag muna cham. Intro muna tayo oki?" Hindi pa naman ako nakakasagot eh itinutok na niya agad ang camera sa mga mukha namin. abcdHIV! Gutom na gutom na ako A! Pambihira naman ang babaeng to.
"Hello wazzup mga kabobo! Welcome back to my channel. It's me pretty A! Alexis is on your way! At sa hindi pa nakaka-subscribe sa channel ko hit the subscribe button and ofcourse the notification bell para updated kayo sa aking mga new videos." Intro na naman niya habang ako ay taimtim na naghihintay kung kailan siya matatapos. "So kita niyo naman guys mga bagong gising lang kami ni Cham. Pero fresh from dreamland parin ang aura namin ngayon. Bibigyan ko ng beplop ang hihindi kokontra." Napangisi naman ako sa huling sinabi niya.
"Anong gagawin natin ngayon cham?" Baling niya sa akin. Seriously A?! Anong katol ba ang nahithit neto kagabi? Pero sinakyan ko na lamang siya."Hi guys! Ang gagawin namin ngayon is magbe-breakfast." Maikli kong sabi. Kumakalam na talaga ang sikmura ko. Si A naman ay napa thumbs up at kumindat kindat pa.
"Lez get it Cham!" Akala mo talaga eh challenge ito. Ano to breakfast challenge? Ipinuwesto na niya ang camera habang nakatutok parin sa amin ito.
Sumandok na agad ako ng kanin at ulam baka supalpalin na naman niya ang kamay ko. Ngunit napatigil ako sa pagnguya nang wala akong malasahan sa itlog.
BINABASA MO ANG
I love you my Enemy
RastgeleNothing would be impossible if you have the pursuance in proving your love to someone. But how can you achieve its flaming stand if fulfilling what you really feel for someone is like telling a joke? Relationship maybe cruel sometimes but eventually...