#IloveyoumyEnemy
Ikalawang araw na ngayon ng klase at dahil tapos na naman ang mga subjects ko kaninang umaga ay naisipan kong tumambay muna sa isa sa mga bench. Tiningnan ko ang schedule ko. Mamayang alas tres pa pala ang susunod kong klase. Naku naman, nakakainip namang tumanganga lang dito wala pa naman sila A dahil may klase pa silang tatlo ngayon. Iilan lang din ang nariritong mga estudyante na may kaniya-kaniyang ginagawa.
Wala rin akong makakasama dahil wala pa akong kaclose kahit isa sa mga kaklase ko. Tiningnan ko ulit ang schedule ko. At pansin kong wala akong pasok every Saturday at Sunday. Napangiti ako sa naisip ko. Magandang ideya ito ah, pandagdag na din sa allowance ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko at ala una pa lang ng hapon. Ano naman ang gagawin ko sa dalawang oras na vacant ko? Napabuntong hininga ako. Hindi pa man ako nakakalahating oras ay naiinip na ako. Pero bigla akong nabuhayan ng loob nang may naalala ako.
"Yung rooftop!" Sambit ko.
Dali-dali kong kinuha ang mapa ng school mula sa aking bag. Buti nalang at naisipan kong dalhin ito. Agad na akong tumayo at nagsimula nang maglakad habang nakatutok parin sa mapa.
Maya-maya pa'y dinala ako ng aking mga paa sa Engineering Department. Tumingala ako at malapad na napangiti nang mapagtanto kong eto na nga yun. May anim na palapag ito, kabilang na dito ang rooftop. Excited akong pumasok sa loob at saka tinungo ang elevator. Expected ko na talaga na may elevator rito. Pinindot ko ang 6th floor at napa abcdHIV na naman ako. Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan lalo na't ako lang mag-isa ang nakasakay rito.
Sa iilang minuto kong nakikipagsapalaran sa loob ng elevator ay bumukas na ito. Atat na atat akong lumabas at agad na pinihit ang pinto papasok ng rooftop. Pagkabukas ko ay agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Nagtatakbo ako at nagsisigaw. Buti na lang at ako lang mag-isa dito.
"This is freedom!" Sigaw ko habang lumilipad-lipad at umiikot. "Sa wakas ay napuntahan na rin kita! Ang saya-saya!" Sigaw ko ulit at bahagyang naupo at pinalo-palo ang semento.
Ngunit gayun na lamang ang aking pagkabigla nang may biglang magsalita. Akala ko ay walang tao rito.
"Miss, baka nakalimutan mong inumin ang maintenance mo." Nabalot naman ako ng takot. Nagpalinga-linga ako sa paligid hinahanap ang pinanggagalingan ng boses. Pero wala akong makitang tao. Hindi kaya... Bigla akong napatayo at napasandal sa railings dahil sa naisip ko. May nagpakamatay na bang estudyante dito? Mas lalo akong natakot dahil sa naiisip ko.
"Tsk. Baliw na nga, bulag pa." Rinig ko pang sambit niya. Medyo nainis naman ako sa sinabi niya.
May pagka-antipatiko rin itong multo ah. Napansin kong may parang gumagalaw malapit sa dalawang naglalakihang drums na kulay blue. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa railings. At dun ko nakitang may isang pares ng paa na animo'y nakasandal ang may-ari nito. Hindi ko kasi siya makita kanina dahil sa nakaharang na dalawang malalaking drums.
"Sino ka ba?" Matigas kong tanong. Pilit kong iwinawaglit ang takot at kaba na nararamdaman ko.
Tumayo na siya at dahang-dahang naglakad palapit sa akin na nakapamulsa. At ang kaninang takot at kaba na naramdaman ko ay napalitan ng inis at galit nang tuluyan kong maaninag ang mukhha niya. Hindi pala multo ito eh, kolokoy na alien pala. Napabitaw ako sa railings at napakibit balikat.
"Hoy miss para sabihin ko sa'yo hindi isang mental hospital ito. Sabi ko na nga ba, kaya pala napakabayolente mo. Dapat kasi hindi mo nakakalimutang inumin ang maintenance mo." Sabi niya na napailing-iling.
Imbes na hiya ang maramdaman ko dahil sa pinaggagawa ko kanina ay takot at kaba ang naramdaman ko dahil alam kong gagamitin niya itong pang-asar at pang-inis sa akin at tama nga ako.
"Ah talaga? Para sabihin ko sa'yo wala rin tayo sa planet Mars. Tandaan mo, Earth ito. Kaya ang ipanagtataka ko ay bakit ka nandito at mas worst ay nag-aaral pa." Mapang-asar ko ring ganti sa kaniya.
He smirked. Hindi man lang natinag sa sinabi ko. Nakakainis.
"Ang gwapo ko naman yata para maging ganun." Mayabang niyang sabi at saka hinawakan ang baba niya na parang nag-iisip. Napaismid ako.
"Kabahan ka nga sa sinasabi mo. Ako nga to dapat ang maalarma dahil palagi mo na lang akong sinusundan." Impit siyang napatawa.
"Masyado ka naman yatang pangit para sundan ko." Okay, I admit nasaktan ako sa sinabi niya. Slight lang naman. Napuruhan yata ako dun ah. Hindi dapat ako papatinag, masyado akong maganda para seryosohin ang sinabi niya.
"Eh bakit ka nandito? Umamin ka na kasi. Maiintidihan ko naman." Imbes na gumanti ay tinitigan niya lang ako sa mga mata. Nakikipagsukatan siya sa akin ng tingin kaya tinitigan ko rin siya sa mga mata.
Ngayon ko lang napagtanto ang mala hazel brown nitong kulay at mahahaba nitong pilik-mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa puwesto ko. Mas lalo kong naaamoy ang pabango niya. Gayunpaman ay napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Pero wala paring ni isa sa amin ang kumukurap. Isang dangkal na lang sana ang pagitan namin nang itinaas niya ang suot niyang ID.
"Mechanical Engineering?" Basa ko sa course niya. Taas-noo siyang napatango-tango.
Nakahinga ako nang maluwag nang bahagya na siyang lumayo sa akin. Siya naman ngayon ang napakibit-balikat.
"Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang mas stalker sa atin?" Nagpapatawa ba siya? Napasinghal ako.
"Hoy mister alam kong department niyo to. Kung hindi ka ba naman bobo eh bakit mo iisiping ini-stalk kita? Kasalanan ko bang nandito yung rooftop sa department niyo?"
"Sa pagkakaalam ko Miss, may rooftop din naman sa Technology Department." Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.
"Ganun? Wala namang nakalagay sa mapa ah." Pero nakaramdam ako ng konting hiya baka kasi tama siya. Baka nga meron sa Tech. Department.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumawa nang malakas. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Tawang-tawa talaga siya yung tipong nakahawak na yung kamay niya sa tiyan niya. Siya yata yung baliw eh.
"Nakakaawa ka naman Miss HAHAHA." Sabi niya habang tumatawa parin at saka tumalikod.
"Hoy kolokoy! Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa sa akin! Eh kung kasuhan kaya kita?!" Banta ko sa kaniya.
Huminto siya at napatigil rin sa pagtawa. Nilingon niya ako. Nabigla ako nang may gumuhit na inis sa mukha niya. Pero agad din naman itong napalitan ng mapang-asar na ngiti.
"Alam mo Miss mas gugustuhin ko pang himasin ang puwet ng manok kaysa sa diyan sa puwet mo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Hanggang sa hindi ko namalayang wala na pala siya sa harap ko at tuluyan nang nakaalis.
Nagsisigaw ako, hindi na dahil sa saya kung hindi dahil sa inis at galit na nararamdam ko ngayon. I really hate you Luke Ishmael Montegre!
BINABASA MO ANG
I love you my Enemy
RandomNothing would be impossible if you have the pursuance in proving your love to someone. But how can you achieve its flaming stand if fulfilling what you really feel for someone is like telling a joke? Relationship maybe cruel sometimes but eventually...