[ 9 ]

9.6K 216 1
                                    

I DONT CARE

Bwesit na lalaki dahil sakanya nakalimutan ko nang maghapunan kagabi. Panira kasi ng moment eh! Sabi niya walang pakialaman pero siya tong nakikialam sakin.

Although, not all pero sayang Yung pagkakataon kahapon eh! Nasa harapan ko Na Yung ultimate idol ko. Hawak ko Na. Alam Mo yung tipong abot langit na ang kilig Mo tapos bigla mapupulot. Nabubwesit talaga ako pag nagaalala ko yun.

" Hoy! Babae Hindi ka pa ba tatayo Jan ? " Hindi na nga maganda ang salubong ng araw sakin dagdagan pa ng abnormal na to.

Hindi ko siya pinansin, instead tinalikuran ko lang siya sabay tabon sa kumot.

" Hoy! Pagkinakausap kita sumagot ka!? " Inis niya ng bulyaw kasabay ng paghablot niya ng kumot sa mukha ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, kahit sumisigaw ang kagwapuhan at mga matitigas na muscles niya sa braso ay Hindi iyon naging dahilan para mawala ang inis ko sakanya. At Hindi lang inis kinasusuklaman ko Na talaga siya. Bwesit siya!

" Ano bang problema mong lalake ka ha ?! " Inis kong sambit at tumayo sa harap niya. " Kung wala kang magawa sa buhay Mo!? Magpakamatay ka! Bwesit! " Hindi ko Na alam kung anong lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang inis sakanya.

Nag-walk out ako, alam kong nabigla siya sa sinabi pero wala akong pakialam.

Kung magpapakamatay man siya buhay niya. Aish!! Di ko talaga mapigilang mainis sa kumag na yun!

Lumabas ako ng suite. Nang nasa lobby na ako ay ngayon ko lang narealized na Hindi ko pa Pala nagagawa ang morning routine ko.

Agad akong napadungo at lihim na tinatanggal ang muta saking mga mga mata kung Meron man.    Nakakainis talaga! Gustuhin ko man bumalik ng suite e ayaw ko namang makita pagmumukha ng abnormal na lalaking iyon.

" Mrs. sebastian ? " Rinig ko sambit ng lalaking boses palang ulam na.

Wala sa sarili akong napaangat ng tingin nang bigla Na lang ako natunaw sa hiya. Sino ba namang Hindi isang Jackson international actor ang nasa harapan ko ngayon.

Natigilan ako saking paglilinis ng mata ng palaglag ang panga ko sa nakita.

" J-jackson ? " Hindi ko makapaniwalang sambit.

" Good morning! " Nakangiti niyang bati.

Laglag panga naman ako balisa sa mga malalalim niyang dimple sa kanyang pisngi. Sh!t, Di ko talaga akalaing Kanino siya kagwapo sa personal.

Kulang Na lang tutulo na laway ko sa kakatitig sakanya. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa Hindi ko alam siguro dahil nakakatawa mukha ko.

" Good morning din Jackson! " Bati ko pabalik ng bumalik ang diwa ko kahihiyan.

Ngumiti siya na tanging dimple lang ang lumilitaw at napalinga saking likuran. Taka ko namang sinundan ang tingin doon at wala naman akong ibang Nakita kundi ang iilang mga kababaehan na kinikilig Na parang sira ulo.

Napairap ako, Di ko Naman talaga gustong magsumplada pero naiinis ako dahil sa kanila Di ako napapansin ni Jackson.

" Where's your husband ? " Tanung niya.

Nabuntong hininga ako sa pagkafrustrate. Pero wala din Naman ako magawa. I admit na nakikilala ako ni Jackson ngayon dahil asawa ako ng sikat na babaerong si Drake.

" Nasa room pa, pasunod na Rin yun. " Ani ko Na nakangiti Sana lang Di niya mahalatang tipid iyon.

" Ah! Ganun ba! " Ani niya at napatitig sa mukha ko.

_ Instant mommy for hire _Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon