[ 1 ]

21.9K 358 6
                                    

MY WIFE



" Aalis Na Po ako! " Paalam ko.

" Good luck jenny! " Ani ni miles sabay kindat. At sabay naming pinagundog ang noo sa isat-isa.

" Ouch! " Reklamo ko.

" Grabe, ang tigas Pala talaga ng ulo Mo " natatawang ani niya. Habang himas ang noo.

Nakagawian Na Namin gawin iyon ni miles Simula ng mga bata pa kami, dahil para samin ay lucky charm Namin iyon.

" Tsk! Pareho lang Naman matigas ang ulo niyo. " Puna ni Richard, ang nakakatandang Kapatid ni miles.

Isang taon lang Naman ang gap Namin kaya chard lang ang tawag ko sakanya si miles naman ay tatlong tao ang gap sakin.

Mag-aate nga Sana siya pero ayaw ko, Di pa Naman ako matanda e unlike ni Richard Na mature Na tingnan. Playboy kasi, lagi na-sstress sa mga babae.

" Oo Na ikaw Na tong malambot, sa katunayan nga masunurin ka Kay mama dahil tinigilan Mo na talaga yang pang babae Mo. " Sarkastikong tunog ni miles.

Napangiti ako habang nakailing. Wala talagang araw Na Hindi magbabangayan ang dalawang to. Lagi nga ako nagiging referee sakanilang dalawa eh.

Nakita kong sinamaan siya ng tingin ni Richard, bago ko binaling ang atensyon Kay tita isay Na siyang biological mother ng dalawa.

Si tita isay ay matalik Na kaibigan ni mama, kaya ng namatay si Lola ay kinupkop Na ko ni tita isay.

" Tita, mauuna Na Po ako baka malate ako sa interview kayo Na Po Muna ang sub ko sa pagiging referee ng dalawa " natatawa kong paalam.

Susubukan ko pa Sana magpaalam Kay Richard pero mukhang busy Na ang dalawa sa pagbibigay ng kulay sa bahay dahil sa ingay nila.

Mabilis akong nakasakay ng jip. Na patungong Quezon Ave. Kung Saan gaganapin ang interview ko.

Nagapply ako ng trabaho kahit anong klaseng position Na. Basta marangal. Ayaw ko naman kasi maging pabigat Kay tita isay.

" Para! " Hiyaw ko Kay manong driver. Mula sa binabaan ko ay nilakad ko Na lamang iyon patungong company.

Simpleng formal attire lang ang suot ko. Slacks at plain white polo Na bahagya pang nakafold Hanggang siko.

" Excuse ma'am! " Sita sakin ni manong security.

" Job interview po " hinihingal kong sagot.

Pinasadahan niya Muna ang kabuuan ko bago pinahintulutang pumasok. Mula sa lobby ay tanaw ko Na habang ng pila ng mga aplikante.

" Hi! " Bati ko sa huling babae nakalinya. Pero gi-snob lang ako.

Napaismid nalang ako at medyo napahiya Na Rin dahil Di niya man lang ako pinansin.

" Suplada! " Mahina kong bulong.

Ilang Oras Na ako nakaupo dito pero muka Di pa Rin talaga gumagalaw ang linya. Ng tingnan ko ang Orasan ay mag-tatanghali Na.

Di pa Naman ako nakapagbreakfast kanina bago umalis. Ilang Oras pa ako naghintay, kumakalam Na din ang sikmura ko. Gustuhin ko man umalis sandali ay Hindi puwede baka kasi agawan ako ng linya.

Hanggang sa naabutan ako ng break time. Anak ng pusa! Gutom Na gutom Na talaga ako.

Unti-unti Munang nagsialisan ang iba para siguro maglunch pero ako ay heto, nanatili sa puwesto. Di Naman kasi ako makakabili ng pagkain dahil sapat lang ang perang dala ko para makauwi.

_ Instant mommy for hire _Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon