[ 32 ]

7.4K 203 21
                                    



IN MY HEART



Nagising ako sa kaluskos Muna saking giliran.



Unti unting namulat ang aking mga mata, inaantok pa ako ngunit ng makita ko ang bouquet flower harapan ko ay para akong nabuhusan ng tubig, na gising na gising.



" Goodmorning " malumanay na bati niya na may ngiti sakanyang Labi.



Nagsalubong ang aking kilay ngunit agad din iyon napawi dahil sa tuwa.



Napangiti ako instead na sagutin siya. Tumaas taas ang kanyang kilay Na batid kong napapatulala na ako sakanya.



" Flower ? " Puna niya.



Agad dumapo ang aking mata sa mga bulaklak, tinanggap ko iyon ng may di ko maipaliwanag kung ano tong sayang nararamdaman ko.



Kay aga naman nitong pakulo niya. Naputol lamang ang linya ng iniisip ko ng may inilapag siyang board for bed breakfast.



I can't help myself but to smile. Kahit I'm trying hard not to show na natutuwa ko, di iyon pinagkait ng puso ko. 😍



Ano tong trip niya ? Anong anghel ang dumapo sakanya ? -- nang bigla nagreplay sa isip ko ang halikang nangyari samin kagabi.



Putcha! Parang gusto ko na lamang magpalamon sa kinauupuan ko ngayon. nangiinit ang pisngi ko.



" I made this for you, kumain kana " he said, full of sweetness ang boses.



Ayokong magassume pero, ayaw ko Na ring dayain ang sarili ko. Binigay at pinakita ko na yun sakanya ng ilang ulit, I'm not going to expect in return.



I'm going to let down my guard not for him, but for myself. I also deserve to be happy. Kahit panandalian lamang wala Na ko pakialam.



" Thank you " ani ko.



Na may ngiting totoong saya saking Labi. I'm about to pick up the spoon ng unahan niya ako. Kinuha niya ito at kumuha ng pagkain na kanyang hinanda.



At isinubo niya iyon sakin. Di na ko magtataka kung maraming humahabol Kay drake bukod sa gwapo na at may makisig na pangangatawan at marunong din siyang magpafall ng babae.



Aaminin kong isa na ako sa mga babaeng magpapakatanga at magiging bulag sa kanya. Alam kong masasaktan ako sa huli pero Di ko Naman deserve na habang buhay Na masaktan, kung masasaktan man ako at the end of this joy atleast masasabi kong Di rin ako lugi dahil hinayaan ko ang sarili ko maging masaya nang dahil sakanya naranasan ko Yung pagmamahal na Hindi ko naramdaman noon.



" Kamusta Na pakiramdam mo ? " Tanung niya sa kalagitnaan ng pagnguya ko.



" Ayos Na ako. Salamat " sagot ko naman. Nakakailang na Yong ginagawa niyang pagsubo kung kaya sa pangatlong subo na gagawin  niya sana ay hinawakan ko na ang kamay niya.



" Drake di Mo Naman ako Kailangan subuan, nilagnat lang ako. Hindi ako nalumpo. " Natatawa kong sabi.



He sternly just meet my gazed. At unti unting gumuhit ang ngiti sakanyang Labi.



Gamit ang kanyang kaliwang kamay ay tinanggal niya ang kamay ko sa kanyang kanang kamay. Binitawan niya ang spoon at hinawakan ang aking kamay habang nakatitig saking mga mata.



Nalulunod ako sa lalim ng titig niya. Mga pamumungay niyang mga mata Na maraming gustong Sabihin. At maraming mga babaeng nahulog.



" I know, but I wanted to take care of you. " Ani niya na puno ng sinseridad. Hindi ko alam kung totoo ba iyon pero iyon ang dating sakin.



_ Instant mommy for hire _Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon