[ 16 ]

8.1K 175 1
                                    


WEIRD


dahan dahan kong minulat ang aking mga mata Na ramdam ko pa ang bigat.


" Jenny! " Sambit ni miles.


Narito si miles, si tita isay at si Richard. Narito silang Tatlo.


" Kamusta pakiramdam Mo hija ? " Tanung ni tita isay Na bakas sa mukha ang pagaalala.


Medyo nahihilo pa ako, Hindi ko alam kung bakit marahil epekto ng mga gamot.


" Mabuti na Po tita. " Malumanay kong sagot at ngitian siya.


Ngumiti Na lang din si tita pabalik. At nagpaalam para tawagin ang doctor sandali. Si miles naman ay parang kiti kiti na Hindi mapakali. Samantalang si Richard naman napakaseryuso ng mukha.


Ano bang problema ng mga ito. Kunot noo akong umayos ng posisyon. Di rin nagtagal ay may pumasok Mula sa pinto at doon iniluwa si stacey.


Usual nakapoker face ang mukha. Pero direktang nakatingin sakin. Pero bakit siya lang ? Usually kasi pag ganitong sitwasyon nandito Na si Daddy, mommy at Lola nila. Pero ngayon parang ang lamig ng mga aura ng mga tao ngayon ah.


" How's your feeling ? " Tanung niya ng makalapit na sakin.


" I feel good now. " Sagot ko naman.


" Uhmm Jenny -- ? " Bagong panimula ni stacey na waring seryuso rin ang mukha.


Ngunit Di niya natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang sumingit si miles.


" Jenny!! " Hiyaw niya na para bang ang layo ng distansya naming dalawa.


Napasinghap ako sa gulat. Kasi i was focusing on what stacey trying to say pero nainterrupt yun sa hiyaw ni miles.


Lahat kami nakatingin na sakanya, even her brother .. tinitigan ko siya na sinasabing hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya. Pero, paiba iba ang direksyon ng kanyang mga mata.


Sa sobrang likot eh, mas lalo lang ako nahilo.


" Uhmmm-- " rinig Kong bulong ni miles. At lumalim ang buntong hininga ni stacey at binaling sakin ang tingin Na kanina'y nakatingin at naghihintay rin sa sasabihin ni miles.


" Hindi na ako magtatagal, I have to check on syrah .. babalik Na lang ako Mamaya. " Ani ni Stacey.


Hindi ko Na Rin nagawang sumagot para bang may gusto siyang Sabihin pero Di niya masabi.



Bumaling ang atensyon ko sa dalawang magkapatid lalo Na Kay miles,maging sila ay parang may alam Na Hindi ko.


" Miles " tawag ko sa tulirong si miles.

" H-ha ? " Ani niya. Na mas lalo kong kinakunot noo.nakukuryuso ako.



" May pro--- " natigilan ako ng muling may pumasok Mula sa pinto pero this time ang doctor at si tita na.


Kaya pinagpaliban ko na lang Muna. Umayos ako at hinarap ang mga taong kakapasok lang. Usual, sa lagi nilang ginagawa sa pasyente. At nagiging immune Na Rin ako dahil ilang beses Na ko nacoconfine this month.



Matapos ang mga interrogation, at pagcheck sa sugat ko. Sinabi ng doc. Na puwede na daw akong lumabas anytime Basta kunting ingat lang para Di na muli magkainfection ang sugat.


" Thank you doc. " Ani ko.



Hinatid ni Richard ang doctor palabas. At lumapit si tita sakin. Iba ang aura ni tita kesa sa aura ni Richard at miles ngayon.


_ Instant mommy for hire _Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon