SADNESS 1✨

264 21 4
                                    

ENJOY READING!
PERFECT DAY TO DIE|
The beginning

________________________________

"Sadnah.."

"Sadnah.."

Nilingon ko agad ang matandang babae na tumatawag sa pangalan ko. Sa lambing ng boses niya ay kitang kita ko ang batang kamukha ko na nakangiti habang natutulog sa malambot na kama.

Nakita ko na ngumiti ako habang mahimbing pa ding na natutulog.

Teka ano bang nangyayare at nakikita ko ang sarili ko noong bata pa ako?

Nananaginip ba ako?

"Sadnah.. Gumising ka.."

"Bakit po?" nakapikit na tanong ko habang hinihintay na tawagin uli ni yaya Linda ang pangalan ko gamit ang malambing niyang boses.

Ilang beses ko na ba hiniling na sana siya nalang ang mama ko.

"Aalis ka na po ba?"

"Mamaya."

"Kung ganon may bago na namang mag aalaga sakin? Hindi ba talagang pwedeng ikaw nalang po palagi?" malungkot na tanong ko at nakasimangot habang nakapikit pa din ang mga mata.

Naramdaman kong gumalaw ang kama ko at naramdaman kong may tumabi sakin at yumakap kaya naman ay yumakap ako pabalik.

"Malamang sasabihin niyo, hindi ko pwedeng gawin yon Sadnah.. Pangako babalik uli ako sa susunod na taon sa birthday mo." sabi ko pa uli at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Alam mo namana mo ang ugali mo sa ama mo habang ang maganda mo namang mukha ay sa mama mo." sabi niya sakin at hinaplos ang buhok ko dahilan para gusto ko na uling matulog.

"Talaga po ba?"

"Ang matangos mong ilong ay pareha mong nakuha sa mga magulang mo." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya naman ay hindi ako nakasagot agad at mas lalo ko pang idinikit ang sarili ko sa kaniya.

"Gusto ko na silang makita." sabi ko at doon ay naramdaman kong umupo siya at inalalayan akong umupo din.

"Sadnah.."

"Sadnah.. Dumilat ka."

Dinilat ko ang mga mata ko at doon ay nakita ko ang nakangiting mukha ni yaya Linda.

"Yaya Linda, huwag ka na umalis." pagmamakaawa ko at ramdam ko kung gaano ako nasasaktan sa mga panahon na iyon.

"Hindi ko alam kung hanggang kailan ka dito pero pangako makakauwi ka din sa inyo at makikita mo na ang mama mo."

Sobrang bata ko pa para maintindihan ang sinabi niya at kwestyunin ang mga bagay na kulang sa sinabi niya.

Sa mura kong edad hindi ko napansin na si mama lang ang binanggit niya.

Bakit nakalimutan niyang banggitin si papa?

"Bakit nakakulong lang ako palagi dito at hindi ako pwedeng lumabas? Bakit palaging kada buwan napapalitan ang mga katulong ko?"

Hindi ko alam kung ilang beses ko naitanong sa kaniya ang bagay na iyan ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa din masagot.

"Natatakot po ako.."

"Hindi ka dapat natatakot dahil kapag nakaramdam ka ng takot kakainin nito ang puso at isipan mo hanggang sa hindi mo na alam ang gagawin."

"Yaya Linda.." nangingilid ang mga luha na sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

Shut The Fuck Up | 18+Where stories live. Discover now