SADNESS 6 ✨

32 11 8
                                    

ENJOY READING!
PERFECT DAY TO DIE|
I was caught by him.

________________________________

"Maam, tatanggalin na po namin ang posas dahil nandito na ang mga hairstylist para ayusan ka." hindi ko nilingon ang babaeng pumasok sa loob ng kwarto.

Nakatulala lang ako at naramdaman kong isa isa niyang tinanggal ang mga ang posas sa kamay ko.

"Dito nila ako aayusan?" walang ganang tanong ko at nilingon ang babae.

"Yes maam, yun po ang utos ng chairman."

"Utos chairman? tsk!"

"Sege po maiwan ko na po kayo, maya maya lang po ay dadating na po sila."

Hindi ko na siya nilingon pa bago siya lumabas ng kwarto. Huminga ako ng malalim at tumayo para maglakad at sumilip sa salamin na bintana, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakahakbang ay natumba na ako.

"Shit!" mura ko ng maramdaman ko ang sakit sa pagkakadapa.

Gamit ang mga dextrose na nakonekta sa kamay ko ay ginamit ko iyon upang makapag lakad.

Nanghihina pa ang mga tuhod ko at hindi ko maalala kung pinakain na ba nila ako o sadyang dextrose lamang ang sinadya nilang ibigay sakin!

Sinilip ko ang bintana at doon ay nalaman kong nasa pinakataas ako ng hospital. Kung hindi ako nagkakamali nasa pinakadulong room din ako ngayon.

Anomang plano ang gawin ko para tumakas ay walang paraan. May sariling restroom ang kwarto na ito, kung ganon nasa VIP room ako ang tanging paraan para makalabas ako ay sa elevator pero mabilis lang nila akong mahuhuli dahil pwede nila iyong ipahinto.

Kung maghahagdan naman ako, kakayanin kaya ng katawan ko?

Wala na akong maisip na paraan kundi ang gawin ang pinakadelekadong bagay.

Naglakad ako papunta sa drawer kung saan doon kumuha ng syringe si Nathan kahapon at pagbukas ko ay may mga laman pa iyon.

"Kung ganon, hindi pa nila naaalis ang mga ito?" mahinang sabi ko at kumuha ng dalawa at inilagay ko iyon sa bulsa.

Umupo lang ako at nag antay kung sino ang papasok sa loob. Maya maya lang ay nakita ko ng may pumihit ng doorknob at pumasok mula sa labas ang doctor na babae.

"Good morning ma'am" bati niya sakin at nagtungo sa drawer at doon ko nalaman kung ano ang sadya niya.

I found out she was going to pick up the syringes as she made her way to the drawer.

She came too late because I plan to inject her the syringe she had prepared for me.

While she was busy getting them I slowly approached her and without saying a word I had injected the sleeping pill into her.

The medicine responded immediately and before she fell, I caught her so as not to make a noise.

"Dont you worry.. I got you!" mahinang sabi ko at binuhat ko siya pahiga sa hospital bed at kinuha ko ang coat niya kasama na din ang stethoscope na nasa leeg niya.

"Im so sorry but I have to do this.." sabi ko at inayos ang sarili para makalabas.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na lumingon sakin ang mga nakabantay. Anim sila na nasa tapat ng pinto at base sa mga mukha nila hindi pa nila ako nakikita kaya naman hinayaang nila akong makalabas.

Kung ganon hindi pala sila nag babantay ng maayos dahil hindi nila nakilala ang mukha ng doctor na pumasok.

Tsk!

Shut The Fuck Up | 18+Where stories live. Discover now