Nang sabihin niya ang pinakamabahong pangalan na nabuo sa mundo alam kong siya na nga iyon.
"MARCUS?!" I knew it was him. Sobrang laki ng pinagbago niya, from his body structure to his face. Lalakeng lalake na.
"Easy there. Masyado ka namang halata na namiss mo ako." He showed me his boyish grin, nagbago na talaga siya. Dati siya yung tipong perfect or ideal guy, ngayon anong nangyari?
"What's with the grin? I thought you prefer the goody good guy?" Tanong ko sa kanya ng yayain ko siya papasok sa loob ng bahay.
"Goody good guy? Lipas na yun. Girls love the bad boy image." So that's why.
Minsan hindi ko rin magets kung bakit gugustuhin mo pa ng bad boy na ipipilit mong baguhin, sa huli ikaw rin ang masasaktan kasi bilang lang naman ang lalakeng magbabago para sa isang babae.
"Nagbago ka na. Anyways, bakit ka pala nabisita?" Hindi ko alam pero parang nainis ako dahil nagbago na siya.
"I'm here to settle things. Hindi naman lingid sayong kaalaman na nambabae ang asawa mo diba?" Napaiktad ako sa tono ng boses na ginamit niya, he is not my Marcus.
Hinding hindi ako ginamitan o pinagsalitaan ni Marcus nang ganyan nung madalas pa kaming magkakasama. Ngayon lang.
"Hindi nambababae ang asawa ko. Wala siyang iba maliban sakin."
"Talaga?" Ramdam ko ang sarcasm sa tanong niya. "Eh sino pala yung babaeng kasama niya kahapon? Sino yung babaeng pinagawayan namin? Sino yung hinalikan at hinawakan sa bewang? Wag mong sabihing kaibigan o kapatid niya yon dahil hindi ako bulag o tanga. Ikaw September, bulag ka o tanga?"
"Mamili ka na. Bulag ka o TANGA?!" Napaatras ako ng tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sakin.
"M-Marcus? Walang iba ang asawa ko." Napaiyak ako sa katotohanan na mayroong iba si Lucas.
"Tangina. Bulag ka na, tanga ka pa. Hindi ko alam pero matalino ka naman pero bakit?" Tumingin ito sakin gamit ang malamlam nitong mga mata. "Bakit mo pinagtatanggol yung asawa mo?!"
"Hindi ko alam. Hindi ko alam." Iiling-iling kong sambit habang patuloy na umaagos ang luha ko.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam. Gusto kong makausap si Lucas. Gusto kong sa kanya manggagaling ang lahat ng sagot sa tanong ko. Kay Lucas lang ako maniniwala. Si Lucas ang asawa ko, siya lang ang dapat pinagkakatiwalaan ko.
"Ano?! Wala kang masabi noh? Kasi tama ako. Tama ako na tanga ka! Anong klaseng asawa- UGH!"
"Wala kang karapatan! U-Umalis ka na..." Tila natauhan ito ng dahil sa sampal ko. "Umalis ka na!"
"S-Sorry... H-Hindi ko sinasadya."
"Please. Umalis ka na." Pagmamakaawa ko sa kanya. "Umalis ka na Marcus. Hindi ko kailangan ng pangiinsulto mo. Please..."
Nanghihina akong napaupo sa sahig at tuluyan na ng nagbreakdown dahil sa mga impormasyon na nalaman ko.
Siguro nga tama si Marcus sa sinabi niya na bulag ako at tanga pero mali na kwinestyon nya ang pagiging asawa ko dahil buong pagsasama namin ni Lucas ginawa ko ang lahat maging mabuting asawa sa kanya.
Nanginginig ang kamay ko na dinampot ang telepono at dinial ang numero ng tao na makakapagbigay sakin ng liwanag sa lahat ng katanungan na gumugulo sa akin ngayon.
"Lucy..."
