One

651 10 2
                                    

Ini-edit ko po ang mga chapters dahil hindi ako makuntento sa una kong gawa at nabibilisan ako sa takbo ng kwento. Pasensya na po pero sana magustuhan niyo po itong bagong version. Enjoy!

Maaga akong gumising para ipaghanda ang asawa ko ng almusal. Hindi kasi iyon nakapaghapunan dahil sa dami ng trabaho niya sa opisina pero kahit na ganon ay nanatiling maganda ang pangangatawan nito. Ang hot kaya ng asawa ko!

“Breakfast.” Anunsyo ko nang makapasok ako sa kwarto namin. Mabuti na lamang at gising na ito pero nakaupo pa rin sa kama. Malamang ay nagkokondisyon pa ito ng katawan bago maligo.

“Ilagay mo lang dyan.” Sabi niya saka tumayo papuntang banyo.

I sighed.

“Okay.” Inilapag ko ang tray sa night stand. Inayos ko na rin ang higaan at susuotin ng asawa ko. Ayoko kasi sa lahat ay iyong makalat. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ng paligid kapag ganoon.

Pagkatapos ko imisin ang kalat sa kwarto bumaba na ako para imisan naman ang kusina na malamang ay madumi na naman dahil sa kalat ko nung gumawa ako ng almusal. Natapon kasi yung mantika at may ilang itlog ang nabasag dahil sa pabalyang pagbukas ko ng pintuan ng ref.

Inuna kong linisin ay iyong mantika na nagkalat. Baka mamaya ay may madulas kapag hindi agad nilinis. Kumuha ako ng cloth na hindi na ginagamit saka pinasadahan ang nagkalat na likido. Nang matapos akong maglinis ay ramdam na ramdam ko ang panlalagkit ng katawan ko dahil sa gulo sa kusina kanina kaya umakyat na ako sa kwarto.

Dire-diretso kong binuksan ang pinto.

“Ayyy!” Tili ko saka pabagsak na sinara ang pinto. Oh my biscuit! Ang laki talaga ng Pare ng asawa ko kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay lalo pa’t halos isang taon na rin akong celibate.

Pinilit kong ikalma ang sarili ko. I mentally slapped myself. What’s wrong with me? Asawa ko naman siya ah. Pumasok ako muli sa kwarto na pinipilit ang sarili na kumalma.

This thing is legal. We are married.

 

Panay chant ko sa utak ko. Go September!

Nakita ko sa peripheral vision ko ang nakangising mukha ng asawa ko.

Eh kung inaaraw-araw mo ako edi sana sanay na ako dyan!

 

Natawa naman ako sa sarili kong kabaliwan. Ito ba epekto ng pagiging tuyot? Siguro ay sarado na ang mahiwagang lagusan ko down there? Ayyy ano ba tong iniisip ko! Ang aga-aga!

I shook my head para ma-erase ang mga hindi dapat isipin saka pumasok sa banyo. I heavily released air. God! Hindi pa rin ako sanay na nakikita ang Pare niya.

 

Maybe because you don’t do sex anymore! A part of me says.

Well, that’s true. I have been celibate for almost a year, including our honeymoon night. I don’t know what the problem is. But I do know that since we got married he became cold and distant. Siguro priority niya ang work dahil yun naman ang napagusapan namin before. Our future and dreams first, having a baby later. Kaso nga lang ang tagal! Malamang ay sarado na ang kayamanan ko down there! Damn biscuit!

SEPTEMBERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon