"Sept. What happen? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba ang kapatid ko sayo?" Dire-diretso nyang tanong. Nangingibabaw sa boses niya ang pagaalala.
"Lucy wala ka bang napapansin na kasa-kasama palagi ni Lucas dyan? Diba nagkikita kayo dyan sa opisina." Pinilit kong pakalmahin ang sarili dahil hindi kami magkakaintindihan kung ngongo ang dating ng boses ko dahil sa sipon.
"Sept... Three months ng hindi napasok sa company si Lucas. Panay pinapadala nya na lang sa secretary niya ang mga papers na dapat niyang asikasuhin. Isang beses ko pa lang siyang nakita ngayong buwan. Bakit? Nagaway ba kayo?" Hindi na ako tuluyang nakapagpaalam kay Lucy dahil pinatay ko ang tawag agad agad at napahagulgol na naman ng dahil sa nalaman ko.
Hindi siya napasok ng opisina pero panay ang paguwi nya ng madaling araw. Tuwing pipilitin ko syang magalmusal o di naman kaya maghapunan sasabihin nyang maraming tinatapos sa opisina. I'm lost. And hurt.
***
Nagising ako kinabukasan sa pwesto kung saan ako nagiiyak kagabi. Sa sahig.
Bakit ko ba naisipang matulog dito? Ang sakit tuloy ng buong katawan ko at namamaga pa ang mga mata ko, damn!
Sandy calling...
"Hello Sandy?"
("Walanghiya ka September! Pumasok ka ngayon! Ang dami daming tao, punyeta! Bilis!") Napahagikgik naman ako dahil nagiging palengkera si Sandy kapag naprepressure. ("Wag mo akong tawanan! Letse-- TEKA LANG! KALMA! Bilisan mo boss!")
At dun na natapos ang tawag na yun. Ibang klase talagang babae yun, magalang kapag kalmado.
Nasa kwarto ako ng makita ko ang litrato namin ni Lucas nung nasa college pa lang kami. Handmade yung frame, mukha kaming masata at sobrang in love dito pero ngayon... Tinanggal ko muna sa isip ko lahat ng problema ko at nagsimulang magayos para pumasok sa trabaho. Nakakahiya naman kay Sandy, napapabayaan ko na yung shop.
"Salamat naman boss pumasok ka na! Nababaliw na ako dito! Ang dami nila, kaloka!" Sabi niya habang minumwestra sakin ang haba ng pila.
"Places people! Dali nandito na si boss!" Sigaw ni Sandy sabay palakpak. Pumunta na siya sa kitchen habang ako naman ang umaalalay sa cashier, ngumingiti at bumabati.
Naniniwala talaga ako na matatag ang isang babae. Nakakangiti pa rin ako sa kabila ng mga nalaman ko kagabi. Ang lufet diba?
"Thank you and enjoy!" Bati ko sa young couple na last customer namin for the day.
"Grabe. Haggard! Sawi man ang puso mo, benta ka naman sa madla!" Sigaw ni Sandy ng makapagayos na siya. "Oops, sorry boss. Sariwa pa pala! Hahahaha!" Tatawa-tawa itong lumabas ng shop at pakaway-kaway pa.
"Baliw." I muttered.
Magaalas-syete na nasa shop pa rin ako. Mas maigi na binubusy ko ang sarili ko sa paperworks dito kaysa isipin ko yung tungkol kay Lucas.
Hindi na ako magpapakaimpokrita na hindi ako nasasaktan. Sobra akong nasasaktan pero naisip ko rin na ginawa ko naman lahat para maging mabuting asawa problema nya na yun kung magloloko pa siya.
Nang sumapit ang alas nueve ng gabi nagpasya na akong umuwi dahil hindi na rin kaya ng katawan ko sa sobrang pagod at gutom.
Pagdating ko sa bahay hindi ko na naisipang kumain dahil nangingibabaw talaga sakin yung pagod at antok.
Papasok na sana ako ng kwarto ng may humila sa akin ng marahas at hinalikan ako. Nang una nagpumiglas pa ako dahil akala ko kung sino, pero nang maaninag ko kung sino iyon ay kumalma ako at sinagot ang mga halik na ibinabato niya sa akin.
Habol hininga ako ng tumigil siya at tinitigan ako na para bang nagulat siya na sinagot ko ang halik niya.
"L-Lucas? M-May problema ba?" Tanong ko ng mapansin kong tuliro siya at parang hindi mapanatag.
"Wala." Malamig na tugon nya at pumasok ng kwarto. Sumunod ako agad at nagpalit ng damit saka humiga sa tabi niya. Nakapikit na ito kaya bumaling ako sa kabilang side, bukas ko na lang siya siguro tatanungin.
Halos trenta minutos na akong dilat at hindi dalawin ng antok ng maramdaman kong gumalaw si Lucas sa tabi ko at yumakap sakin. Noong una ay natuwa ako dahil unang beses ito simula ng ikasal kami pero agad din napawi ang galak na namuo sa puso ko ng magsalita siya.
"Sorry Sept. Naguguluhan ako pero buntis sya, kailangan nya ako."
