Pakiramdam ko namanhid ang katawan ko sa nalaman ko. Buntis ang babae niya? Sorry dahil nakabuntis siya? Ganun na lang yun, sorry ang kapalit ng kawalanghiyaan nila.
Agad akong tumayo at hinarap siya. Halata sa mukha nito ang pagrehistro ng gulat ngunit nawala rin agad. "Ano Lucas?! Sorry dahil nakabuntis ka?!"
Hindi ko alam kung saan ko nakuha tong confidence na meron ako ngayon pero susulitin ko na, "Nang makasal tayo, wala akong hinangad kundi ang maging mabuting asawa sayo. Hiningi mo na wag muna tayong maganak dahil uunahin natin pangarap natin pero anong nangyari?! Hihingi ka ng sorry kasi sa iba ka nakapagtanim ng punla mo!" Hingal na hingal ako ng matapos akong magsalita. Nanatiling walang emosyon ang mukha nito na nakatingin sakin.
"Hindi ko sinasadya." Sagot nito na para bang napakababaw lang ng nagawa niya.
"Hindi mo sinasadya?! Hindi mo sinasadya na maghubad sa harap ng babae mo at halukayin ang kweba niya?!" Matalim ko siyang tinitigan, gago! "HINDI MO SINASADYA NA MAGLABAS PASOK SA PEKPEK NIYA AT MAGIWAN PA NG KATAS MO! KATARANTADUHAN!" Sinampal ko siya ng dalawang beses at nanghinang napaupo sa sahig. Tuluyan ng umagos ang luha ko. Ang sakit!
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit at papaanong may nangyari sa kanila. Hindi pa ba ako sapat? Ano bang kulang sakin?
"Tigilan mo na ang pagiyak September. Nandun na eh. Wag kang magalala, pansamantala lang naman. Gusto kong suportahan yung bata." Napaangat ako ng tingin sa kanya na para bang ang dali-dali ng bagay na hinihingi niya. "Dito muna titira si Jessica. Alam nya ang tungkol sa atin, gusto ko lang na ligtas ang bata."
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Ibabahay nya kami ng kabit nya?! Fuck fuck fuck!
"Are you for real?! Dito mo pa patitirahin yang pokpok mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Nanay yun ng anak ko, konting respeto!" Aba't! Ang kapal!
Pagod na akong makipagbangayan. Tama na. Bahala na siya sa balak nyang gawin, kung ibabahay niya yung babae niya ay aalis ako dito. Tinungo ko ang guest room at doon ko napagpasyahan magpalipas ng gabi.
***
Kinabukasan nagising ako ng makarinig ng tawanan sa baba kaya agad akong bumaba. Agad din akong nagsisi dahil sa nasilayan ko, mga hayop!
"Good morning po." Bati sa akin ni Jessica, the fucking mistress!
"Walang maganda sa umaga."
"Jessica, si September asawa ko."
"Asawa? Eh ano siya? Kabit?" Pataray kong tanong.
"September!" Saway sakin ng magaling kong asawa.
"What? I'm just asking her. Anong mali doon? Or should I say, Anong mali sa ginagawa mo?!"
Umakyat na ako sa kwarto dahil baka makapanakit ako ng buntis ng wala sa oras, ayokong magkaroon ng kasalanan. Saka wala namang ginagawa yung bata eh.
Pagakyat ko sa kwarto para sana magbihis eh biglang umangat ang lahat ng dugo sa ulo ko.
What the fucking hell?!
