Hindi malaman kung anong gagawin ni Tita Charmaine kung ano ang uunahin ng makita niya akong pababa ng kotse, kung sisigaw ba o tatakbo para pagbuksan ako ng gate. Pero nang magising na siya sa pagkatuliro ay sumigaw ito habang tinatakbo ang distansya ng porch nila hanggang sa gate.
“Oh my gosh! Daddy! Nandito si September!” Maluha-luha si Tita Charmaine nang hagkan ako at pugpugin ng halik sa mukha. “Oh my gosh, my baby!” O.A., I know. Pero at least ramdam ko na love nila ako.
“September! Baby, you’re here!” Sigaw ni Tito Seb, napahalakhak naman si Tita sa inakto ni Tito. “Namiss ko ang pamangkin ko!” Ginantihan ko ang paghigpit ni Tito ng yakap. Natawa ako ng siya mismo ang sumuko sa yakapan.
“What brings you here, Sept?” Tita asked as we sat. “Miss ko lang po kayo.” Tipid akong ngumiti trying to hide the truth behind the surprise visit.
“I know you, sweetheart. Halos ako na ang nagpalaki sayo, remember? Kilalang-kilala na kita. And bakit may dala kang maleta?” Nag-init ang gilid ng mata ko pero pinigilan kong maluha dahil ayokong madamay sila sa away namin ni Lucas.
“Wala po. Swear! Bawal na po bang bisitahin ang dalawang taong sobrang mahal na mahal ko! And isusurprise ko si Nana, anong oras po ba ang uwi niya from school?” Trying to change the topic and mabuti naman dahil sinakyan naman nila.
Nasa kusina kami nang marinig ko ang matinis na boses ni Nana sa living room. Sinabihan ko sila Tita na isusurprise ko si Nana so nagtago ako sa ilalim ng mesa.
“Lola! Lolo! I’m here na!” Narinig ko ang tawa ng kanyang ama na siguro ay hinaharot na naman siya. “Lola! Lolo! May maleta po sa living room! Are you two going on a vacation?” Tyempo naman na ang pwinestuhan niyang upuan ay yung nasa harap ko. Dahan-dahan akong gumapang palapit saka hinawakan ang binti ni Nana. Napatakip agad ako sa tenga nang tumili ito. Sobrang tinis!
“Daddy! May monster ba tayo sa ilalim ng mesa?” Rinig ang takot sa boses ni Nana, so nagdecide na akong lumabas and she squealed again. She hugged me, tight. “Tita naman! Tinakot mo ako!”
***
Dinner na nang biglang may nagdoorbell. Nagvolunteer na akong tumayo. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko mapigilang yakapin siya. I missed him. So much.
