Perfectly Incomplete

6 0 0
                                    

 
Bumangon ako ng maaga at nasilaw sa sikat ng araw na nakasilip sa bintana ng aking kwarto.

"pretty,pretty please, don't you ever ever feel like your less than freaking perfect

"pretty,pretty,please, if you ever ever feel like your nothing you're freaking perfect"


Iyan ang mga liriko sa naririnig kong kanta na nanggagaling sa cellphone ko na nakalimutan kong patayin kaninang madaling araw na dumating ako.
Napangiti ako ng mapait dahil hindi ako natulungan ng kantang iyan noong sobrang hindi ko na kaya ang lahat.
Lumaki ako sa isang marangyang pamilya. Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay nina mama at mga tita kong bakla. Pumapasok ako sa isang prestihiyosong paaralan. Bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanila, naging isang mabuting anak at pamangkin ako. Nakatapos ako ng elementarya at sekondarya na may mga parangal. Lumaki ako na masayahin at palakaibigan. Kaya naman sumasabay lang ako kung ano man ang trip ng aking mga kaibigan. Pagtungtung ko ng kolehiyo mas naging aktibo ako sa paaralan. Nahalal ako bilang pangulo ng kolehiyo namin. Kolehiyo ng Humanidades ang kolehiyong pinapasukan ko at kumukuha ako ng kursong Sikolohiya. Mahirap pagsabaysabayin ang pag-aaral at pamamalakad ng kolehiyo kaya naman parati akong umuuwi ng gabing-gabi sa bahay. Pagdating ko roon, ipinamumukha lahat ang mga kamalian ko. Mga kamaliang nagmula lahat sa kanilang hinala. Hinala na kaya lagi akong umuuwi ng gabi ay dahil nakikipagkita at nakikipaglandian ako sa boyfriend ko. Kung hindi naman tungkol doon ay umiinom daw ako ng alak. Dahil sobra akong kwela at sumasabay sa trip ng mga kaibigan ko, kapag tumatawag sila sa cellphone, sinasabayan ko ang takbo ng usapan. Usapang aakalain mong boyfriend ko ang kausap ko. Kaya naman kapag nakikirinig ang mga tita ko hinuhusgasahan ako agad at ang konklusyon ay nakikipaglandian ang mabait nilang pamangkin.
Bumaba ako galing sa ikalawang palapag pagkatapos kong ayusin ang aking higaan at mga ritwal na ginagawa sa umaga. Nakita ko iyong katulong namin na binuksan ang speaker sa may gilid.

"You haven't seen the best of me
I'm still working on my masterpiece."

Umupo ako sa sala at pinakinggan ang kanta. Naalala ko na naman ang nakaraan.
Pinakita ko sa kanila na mabait akong pamangkin kahit baliw sa mga kaibigan ko. Lumipas ang mga araw na hinayaan ko lang sila na maghinala. Ginawa ko pa rin ang tama at ikinintal sa aking isipan na isang pagsubok lamang ito.
Isang araw habang kumakain kami dumating si mama galing sa isang business trip. Nagsumbong kaagad ang mga tita ko sa kanya. Sinabi lahat nila ang kanilang hinala na nagpapanting ng tenga ko. Akala ko papakinggan muna ni mama ang sasabihin ko. Akala ko mas pinagkakatiwalaan niya ako kaysa sa kanila. Pero nagkamali ako, mas pinaniwalaan niya ang mga hinala nila. Kahit nailahad ko ang tunay na nangyayari, hindi ako pinaniwalaan ng aking ina. Iyong tipong akala ko mas paniniwalaan niya ako dahil anak niya ako. Na hindi ko gagawin ang pagkakamali niya na maging magulang siya sa murang edad at iniwan siya ng lalaki sa ere. Pagod na rin ako sa kalilinis ng reputasyon ko kaya tama na.
Magmula noon ayaw ko ng kausapin si mama. Mas gusto ko pang magkulong sa kwarto kapag nasa bahay ako na nandyan siya. Araw-araw pa rin akong sinisita ng mga tita ko kapag kausap ko ang boyfriend ko. Ang boyfriend ko na nanggaling sa kanilang malikot na imahinasyon ay nagkatotoo. Ang mga hinala nila na gabing-gabi ako umuwi dahil sa boyfriend ko o dahil nakikipag-inuman ako sa mga tropa ko ay naging totoo dahil wala rin namang kwenta kung mas pinaniniwalaan ni mama sila. Ano iyon? Maniniwala na lang sila na wala akong boyfriend at nag-aaral talaga ako ng mabuti kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral o mas maniniwala na lang sila kung makita nilang na-mental at emotionally tortured na maging dahilan ng pagkabaliw ko.
Pagod na pagod na ako.
Heto ako naghahanda hindi papuntang klase kundi papunta na naman ng bar. Lumabas ako at pinaharurot ang motorbike na nakaparada sa may garahe. Pagliko ko sa kanto nabunggo ako sa rumaragasang kotse at tumilapon ako.
Nakatingin ako sa langit na puno ng mga bituin. 

Naibulong ko, "Diyos na makapangyarihan, naniniwala ako sa inyo kaya kahit na ganito nangyari sa akin 'di ko kinitil ang buhay ko." Unti-unting pinikit ko ang aking mga mata.  

Walang Forever Collection of StoriesWhere stories live. Discover now