I WON'T FORGET

4 0 0
                                    

Patience is virtue. Hence, even I'm not sure if I'm still waiting for someone or I'm just waiting for nothing.

Nakasakay ako ngayon ng jeep at nagbabalik-tanaw na naman ako sa nangyari sa atin.

Bagong umaga na naman. Nasasabik na akong makita ang nakaukit na ngiti sa iyong labi. Nakita kita sa CTE lounge na nakakunot ang noo. Sabi mo nahuli na naman ako. Alas syete pa lang at 7:30 a.m. ang oras ng klase natin. Nagsimula na tayong lumakad papuntang A.E. building nang biglang mong tanungin kung saan tayo pupunta. Nagtaka ako kasi ikaw pa nga ang nagsabi na may klase tayo sa A.E.
Kinabukasan, 'di ka pumasok. I tried calling your phone but it's unattended. Hanggang sinagot mo pero boses ng mama mo ang narinig ko. Sabi niya na nakalimutan mo raw na may pasok. Muntik mo na ring sunugin ang bahay niyo dahil sa nakalimutan mong pinakuluang tubig.
Lumipas ang mga araw na marami ka nang nakakalimutang bagay katulad sa pagkalimot ng monthsary natin at minsan ang pangalan ko. Dumating na lang ang araw na pinunta ka sa Amerika para magpagamot.
Kaya heto isang taon ang lumipas na wala ka pa rin.
Huminto ang jeep dahil aa mga tumatawid at nakita kita roon. Agad-agad akong bumaba at hinabol ka. Hinablot ko ang kamay mo. Tumingin ka sa akin at ito ang mga una mong tinanong, 

" Sino ka? Sino ka na lagi kong napapanaginipan? Sino ka na laging hinahanap ko tuwing gigising ako? Sino ka na nagpapatibok ng mabilis at malakas ng puso ko? Sino ka na nagpaparamdam sa akin ng ganito?".

Habang binibigkas ng mga iyon ng labi mo, titig na titig lang ako sa'yo. Unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa'yo habang wala akong pakialam sa ating paligid. Sa pagdampi ng labi ko sa labi mo, alam ko na kahit nagka-Alzeimer ka, ikaw at ikaw ang papakasalan ko. At araw-araw kong ipaparamdam sa'yo ang pagmamahal ko kahit kalimutan mo ang lahat.

Walang Forever Collection of StoriesWhere stories live. Discover now