Isa, dalawa, tatlo, apat, apat na oras ang lumipas kahihintay sa'yo. Tagyawat ko na ay dumarami.
First Anniversary natin at gusto kitang sorpresahin sa labas ng paaralan niyo. Saktong half day ang klase ko ngayon kaya naman alas-otso pa lang ng umaga excited na akong makita kita. Lahat na yata ng kakilala kong kaklase mo pinapatawag kita.Tumingin ako sa langit at nakita kong nagsisimulang umambon. Kung ano ang bigat na dinadala ng ulap sa kalangitan ganoon din ang bigat ng nararamdaman ko. Unti-unti kong inihakbang ang paa ko papalayo sa paaralan niyo. Isang oras pa kasi ang biyahe ko papuntang paaralan ko rin eh.
Sumakay ako ng jyip. Tinext kita kung nasaan ka. Nasa paaralan na ako nang matanggap ko ang sagot mo, nasa bahay-aklatan ka at sinabi mo pang hindi ka lumabas kasi. Hindi na naman kasi planado ang pagpunta ko roon. Masakit kasi hindi talaga uso sa'yo ang salitang sorpresa. Kaya sa susunod na planadong paglabas natin doon ko tatapusin ang lahat. Kung gaano ka kasi kaimportante ka sa akin, ganoon naman ako kawalang kwenta sa'yo.
Paalam Future Teacher
From Future Civil Engineer.
YOU ARE READING
Walang Forever Collection of Stories
RomancePeople who yearn for someone's love that's killing them. And people who left someone because they are afraid to take the risk and get hurt. But sometimes there's always a HAPPY ENDING.