"BEST" , ang tawagan natin. Pero hindi iyan ang tingin ko sa'yo. Kaya sobra akong nagseselos kapag may nagpapapansin sa'yo at masaya mo namang kakausapin. Pero ang sabi mo may gusto ka talaga ------ay mahal mo na pala. Kinukulit kita kung sino pero ang sabi, "sikretong malupet." Kaya nagtatampo ako hanggang ngayong Valentine's Day kasi bestfriend mo ako tapos 'di mo sasabihin sa akin.
Nakaupo ako rito sa booth namin at nagtitinda kami ng heart shape na cup cakes. Nang biglang piringan ako at pinosasan. Kahit nagpapadyak ako hindi ako makawala dahil sa pinaglalagay nila.
Huminto kami at may naririnig akong humahagikgik. Ano kayang kalokohan ito? Sinuotan ako ng damit. Natahimik bigla ang paligid at binulungan ako ng isang lalaki na magbehave daw ako. Tinanggal ang piring at posas. Nakita kita friend sa aking harapan na nakadamit ng tuxedo. Tinignan ko ang nilagay na damit sa akin, ito'y kulay itim."Iyan ang sabi mong kulay na gusto mong suotin sa kasal mo", wika mo
Tinignan ko ang ating paligid, mga estudyanteng nakatutok sa atin.""Baliw ka talaga." , sabi ko
Ngumiti ka at lumapit ka sa akin. Hinawakan mo ang aking kamay habang nakatitig sa aking mata. Ang puso ko gusto yatang makawala.
"Sa ngayon, kasal-kasalan muna katulad noong mga bata pa tayo pero pagkatapos ng walong taon, totohanin na natin ito. Tutuparin ko ang kasal mo sa South Korea at Baguio ang reception. Lahat ng mga pangarap mo ay tutuparin ko kasi kung ano ang mga pangarap mo ay pangarap ko na rin dahil ikaw ang mahal ko."
YOU ARE READING
Walang Forever Collection of Stories
RomancePeople who yearn for someone's love that's killing them. And people who left someone because they are afraid to take the risk and get hurt. But sometimes there's always a HAPPY ENDING.