Heto na naman tayo, hinihintay na naman natin si Stephanie. Ba't ba kasi kailangang nandito ako? Kung hindi lang talaga kita matalik na kaibigan iniwan na kita. Kung ang pasensya mo ay kasing haba ng Marcos Highway na siyang kabaliktaran ng apelyido mo, pwes, ang pasensya ko ay konting-konti na lang. kontimg-konti na lang talaga at masasabunutan na kita para magising ka sa katotohanang hindi ka binibigyang halaga ng babaeng nililigawan mo. Nang makita mo na lumabas na siya sa silid-aralan nila, agad mong binigay ang pulang rosas at tsokolate na may kasamang tula. Ilang araw mo ring pinag-ipunan iyon na hindi ka gumastos para pangmeryenda at panghapunan. Sarap mong sapakin.
Nandito tayo sa Centermall na kumakain. Nasa isang mesa ako habang pinapanood kitang sinusuyo siya. Ikaw lang talaga ang gumagawa lahat ng hakbang. Sabagay, ikaw ang nanliligaw. Pero naalala ko, sabi mo M.U. kayo ngunit malabong usapan yata iyan. Natapos na tayong kumain, kailangan mong ihatid siya sa paradahan nila. Iniwan mo muna akong nag-iisa ganyan naman parati mas inuuna mo siya kahit ako ang mas nauna sa buhay mo.
Binalikan mo ako para ihatid naman ako subalit sabi mo samahan kitang maghanap ng susuotin mo sa parating na prom natin. Pumayag ako dahil wala naman akong magagawa kung ikaw ang nagdrama. Pumunta tayo sa boutique ni mama. Nainis ka kasi ililibre na naman kita, gusto mo kasing paghirapan ang susuotin mo sa date niyo ni Steph. Iyon ang masakit, sa iba ka nagpapagwapo na hindi naman kailangan. Pumili ako ng 2-piece suit na ginawa kang tao. Pagkatapos mong bayaran, pumunta tayo sa isang jewelry shop at sabi mo para kay Steph. Don Romantiko?! Tama na, sobra-sobra na kasi ang ginagawa mo. Hindi ka kakain ng ilang araw para lang mapasaya ang babaeng hindi ka sigurado kung sasagutin ka sa huli.
Sumapit ang araw ng prom, sobrang saya ko kasi ikaw ang first at last dance ko. Sa huli, ikaw lang naman kasi ang pinayagan kong makipagsayaw sa akin. Pero ang masakit, siya ang huli mong sayaw at hindi ikaw ang huli niya. Hinatid mo siya pauwi hanggang sa tapat ng bahay nila.. Don Romantiko, ang layo no'n datapwat naubos ang pera mo sa pagbayad ng taxi. Tinawagan mo ako para sunduin kita sa Irisan. Buti na lang may sundo ako. Umulan bigla ng malakas. Alam kong sobrang basa ka na. Namatay ang tawag at'di ko alam kung saan kita hahanapin. Dalawang oras nang makita ka naming ni manong sa isang waiting shed. Sumakay ka na basang-basa ka at nag-aapoy sa lagnat. Tinanggal ko ang pang-itaas mong damit at binigay ang jacket ko. Bigla kang yumapos na nanginginig. Tanga mo rin,eh. Inalagaan kita sa bahay namin. Puyat ako na papasok bukas.
Kinabukasan, nalaman natin na sinagot ni Steph iyong huli niyang kinasayawan sa prom. Masakit iyon sa'yo kasi akala mo ikaw lang ang nanliligaw sa kanya. Akala mo M.U. kayo. Akala mo lang pala. Si Jonas nga pala iyon na gwapo at may four wheels na sasakyan. Alexis Maicle, anong binatbat mo roon? Na lahat ay pinag-iipunan mo para maibigay ang gusto niya habang si Jonas ay isang pitik niya lang ay maibibigay niya ang gusto ni Steph. Niyakap mo ako at ramdam ko na nahihirapan ka nang huminga. Nagpatawag ako ng ambulansya dahil inaatake ka sa puso. Kung pwede ko lang akuin ang sakit mo emotionally at physiologically. Ang tagal dumating ng ambulansya, natatakot na ako kasi nawalan ka na ng malay. Huwag ka munang mamamatay dahil hindi ko pa nasabi na mahal kita. Oo, Don Romantiko, mahal na mahal kita. Kahit na may mahal kang iba pinagpatuloy kong mahalin ka. Dumating ang ambulansiya at sinugod ka na. Naiwan akong umiiyak habang inihahatid ng tanaw ang papalayong ambulansiya.
Binuksan ko ang sulat na iniwan mo para sa akin.
Para sa sira-ulo kong bestfriend,
Hi, Patricia Munar, nagulat ka noh? Dahil iyong kwintas na binili ko ay para sa iyo. Naalala mo ba na tinuro mo ito minsan na gusto mong bilhin. Kaya binili ko na para sa'yo.
Best, alam kong mahal mo ako pero hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Mahal na mahal ko talaga si Steph. Hindi ko maipapaliwanag ang kagalakan ko kapag siya ang kasama ko. Alam kong malapit na maging kami. Kaya support mo nalang kami kahit alam natin ang mangyayari sa hinaharap.
Pat, alam kong ipinagkasundo tayo ng mga magulang natin. Ikaw ang humiling sa kanila na papakasalan mo ako. Bata pa tayo kaya lilipas din ang nararamdaman mo sa akin. Makakahanap ka rin ng mas mabuti sa akin. Alam kong malaki ang utang na loob ng magulang ko sa inyo. Pero sana inisip mo na may pag-iisip din ako. Kaya sana iurong mo,ha? Kapag dumating ang panahon.
Huwag kang umiyak mas nagmumukha kang baboy.
P.S. Kapag natanggap mo ito kolehiyo na tayo.ALEXIES MAICLE ^_^
Basang-basa ang liham nang matapos kong basahin ito. Alam mo pala ang tungkol sa arranged marriage natin. Patawad ha? Ayoko kasing mapunta ka sa iba. Itinabi ko ang liham. Nilinis ko ang lapida saka nilagay ang bulaklak sa gilid. Isang buwan na ang lumipas simula nang mamamatay ka. Dead on arrival ka. Sobrang sakit no'n para sa amin lalong-lalo na sa mga magulang mo. Noong nalaman ni Steph na namatay ka dahil sa ginawa niya, nabaliw siya. Ako? Tumakbo ako papuntang hospital, hindi ko nakita ang mabilis na truck na paparating, nabundol ako na siyang ikinamatay ko.
YOU ARE READING
Walang Forever Collection of Stories
RomancePeople who yearn for someone's love that's killing them. And people who left someone because they are afraid to take the risk and get hurt. But sometimes there's always a HAPPY ENDING.