Seatmate (Hope's First love poem to another girl)

6 0 0
                                    


Biglang nagningning ang aking mata
Nang pumasok ka sa pintuan bigla
At unti-unting lumalapit
At ako'y iyong kinalabit

Nagtanong ka kung ano ang Takdang-aralin
Sumagot ako na may gawain
Ngumiti ka ng nakakaloko
Alam kong may gagawin kang nakakagago

Sinimulan mo naman akong kulitin
Ginawa mo naman akong katatawanan
Pero ayos lang naman ako
Basta marinig lang ang tawa mo

Lagi tayong nasisita ng guro
Dahil di nakikinig sa kanyang turo
Natahimik at Nagkatinginan tayo
Kumindat ka na nagpabilis ng pulso

Araw-araw gano'n ka palagi
Gumagawa ng kalokohan sa tabi
Katunggali sa mga pagsasanay
Pero tayo'y di nag-aaway

Malapit nang matapos ang limang na buwan
Sana makita kita sa susunod na pasukan
Hindi ko alam kung bakit ganito
Ang nararamdaman ko para sa'yo

Natapos ang lahat na pagsusulit
Huling araw na makikita kita
Maaalala ko ang iyong pangungulit
Sana katabi pa kita

Niyakap mo akong bigla
Sa akin ay may binulong ka
"Seatmate, mahal kita na mahal kita.
Sana pumayag na maging tayo na."

Kumalas ako sa pagkakayakap mo
Na siyang ikinagulat mo
Tumakbo ako papalayo sa'yo
Iniwan kita na durog ang puso

Bumalik ako sa kasalukuyan
At ngayon ay inanyayahan
Sa iyong magarbong kasalan
Ngayon ay nagsisi dahil ika'y iniwanan

Walang Forever Collection of StoriesWhere stories live. Discover now