1

10.9K 110 29
                                    

Lisa Manoban ang pangalan ko. 21 years old. Matangkad, maputi, may bangs na gwapo. Babae ako pero alam kong kaya ko rin gawin lahat ng ginagawa ng mga lalaki noh.

rhyming siya bes yiiee

"Nak, sigurado ka ba?" Tanong ng nanay kong hindi ko alam kung nanay ko ba talaga dahil kinulang siya sa height hehe. Gusto kong umiyak pero ayaw ko. Ang gulo noh?

parang siya.

"Oo naman ma," Nakangiti kong sagot. Hindi naman kasi pwedeng makita ng nanay ko na nalulungkot ako ng dahil sa pag-alis ko. Baka mamaya mas lalo niya pa akong pigilan. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang hinlalaki ko. Bahagyang ngumiti ang nanay ko na pagkaganda-ganda pero sorry gwapo ako.

"Mag-iingat ka ha?" Paalala niya sakin. 23 years old na ako pero itinuturing niya pa rin akong baby. Hindi naman sa ayaw ko pero parang ganoon na nga.

Tumango lang ako at nagsabi na ng pamamaalam. Bago ko muntik makalimutan, nagvolounteer ako sa military. Wala eh, pabibo ako. Hahaha.

"Sakay na," Sabi ng driver na magdadrive siguro netong van. Aba malamang kaya nga driver eh. Paano kung puntahan ko muna si Jisoo?

"Kuya, pwede ba kung may daanan muna tayo saglit?" Tanong ko nang makasakay na ko sa gitna ng van. Ako lang at ang driver ang sakay ng van na to. Tumango lang si manong driver kaya binigay ko sa kanya ang adress ng ppupuntahan namin.

"Lisa-yaaaaaahh!" Sigaw sakin ni Jisoo nang makita niya ang sexy kong katawan na nakatayo sa tapat ng bahay niya. Mayaman sila, hindi mo maipagkakailan sa bahay at pamumuhay nila. Hindi ko nga lang talaga alam kung ano ang pumasok sa kokote ng kupal na to at pumayag magpa arrange marriage doon sa K-kim Seokjin ba yun?

"Unniiieeee!" Sigaw ko pabalik. Wala na akong pake kung umabot yung boses ko sa loob ng mansion nila. Sumigaw din naman si Jisoo jusko.

"Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?" Tanong niya sakin nang bumitaw siya sa pagkakayakap sakin. Masyadong clingy akala mo koala.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong ko pabalik sa kanya. Ayan ang eksaktong linya niya noong tanungin ko din siya ng 'seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?' noong magpapa arrange marriage siya.

karma is a bitch.

"Aba bumabawi kang haup ka," natatawa niyang sabi saka ako binatukan. Mabuti na lang talaga at mas matanda siya sa akin kung hindi matagal ko nang tiniris ang bubwit na to.

Nagkamustahan lang kami saglit ng napagdesisyunan ko nang umalis. Sakto rin namang aalis pala sila ng asawa niya. Infairness gwapo ah. Pero mas gwapo ako tsk.

"Bye," Pagpapaalam ko sa mag-asawa. Mabait naman si Seokjin kaya naibigay ko agad sa kanya ang tiwala pati na rin ang responsibilidad na bantayan yung hinayupak kong bestfriend na parang kapatid na rin. Only child lang kasi ako hehe.

At dahil bida-bida ako, kwento ko na rin kung paano kami nagkakilala ni jisoos.

"Huy, okay ka lang?" Tanong ko sa isang estranghero na napadaan sa harap ng bahay namin. Bakasyon pa at walang pasok kaya siguro siya dinala dito ng mga paa niya. Umiiyak siya at hindi ko alam kung paano siya papakalmahin kaya tinanong ko na lang kung okay ba siya kahit halata naman na hindi. Meron din kasing 'tears of joy' diba?

"O-okay l-la-ang a-ako," utal utal niyang sabi sa gitna ng paghikbi niya.

"Ang pangit mo magsinungaling. Tumayo ka nga diyan," sabi ko sabay lahad ng kamay ko na may mahahabang daliri. Tinitigan niya lang ang kamay ko saka napagdesisyunang tanggapin ito at tumayo na ng tuluyan. Finally, after 5 minutes na parang naging 5 years.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko sa kanya sabay labas ng panyo ko. Ginamit ko ito pangpunas ng luha niya. Mukha na kasi siyang binuhusan ng holy water sa mukha sa sobrang iyak.

"Jisoo. Kim Jisoo," malinaw niyang sabi nang kumalma na siya sa pag-iyak. Kinwento niya ang nangyari sa kanya kung bakit siya umiiyak at kung paano siya napunta sa harap ng bahay namin. Pinagalitan pala siya ng nanay niya at dahil sa bata pa siya, specifically 16 years old, nagtampo at naglayas saglit. Napag-alaman kong mas matanda pala siya sakin ng dalawang taon. Hindi lang halata kasi mas matangkad ako hehe. Pagkatapos noon, nagpakilala ako at naging magkaibigan na kami. Ganoon ako ka fc.

Buti na lang pala at pinagalitan siya ng nanay niya dati hahaha. Kasalukuyan na akong nasa van papunta sa military basement. Aaminin kong kinakabahan ako pero dahil gwapo ako, hindi iyon halata.

"Ma'am, nandito na po tayo." Sabi nung driver at bumaba na ako. Ayaw ko ng magsayang ng oras. Excited na rin naman ako at kinakabahan.

"Miss Lisa Manoban?" Pagtawag sa akin ng isang magandang babae. Hala teka, babae?

"Yes..?" Sagot ko at bigla kong napagtanto na siya pala ang Lieutenant General. Siyempre matalas ang mata ko kaya nakita ko ang pangalan niya na nakalagay sa uniform niya.

Lieutenant General Kim Jennie

Nice name.

"Are you ready?"

-

YEY

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon