21

1.6K 28 2
                                    

"Malakas ka na niyan?"

Mapang-asar kong sabi sa kanya. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niyang aakalain mong siya ang nawawalang kakambal ni sansan. Narinig kong nagsara ang pinto at alam kong nakalabas na sina Cody para hayaan akong tapusin ang misyon ko.

"Ano bang problema mo sa akin?" Mahinang tanong ni sansan--- Clarise pala. "Ikaw, bakit mo pinatay ang nanay mo?" Tanong ko pabalik sa kanya habang nakatitig sa mga mata niyang nag-iiba nanaman ang kulay. Mythical creature ba ang isang 'to?

Naramdaman kong humina ang pagkakahawak sa akin ni Clarise at bahagyang bumaba ang tingin niya. Napansin ko ring may tumutulo sa dibdib ko kahit wala ako no'n. Dahan-dahan kong iniangat ang mukha niya gamit ang kamay ko.

"Oh? 'Wag ka naman umiyak." Sabi ko sa kanya habang dahan-dahan siyang inaalis sa ibabaw ko. Masyado siyang payat para maging mabigat. Oh panis rhyming!

"Sa totoo lang, kahit ako yung una niyang anak," Panimula niya habang maayos na siyang nakaupo sa kinauupuan niya. Tinitignan ko lang siya at inaabangan na din dahil baka may bigla siyang gawin. Malay ko bang gusto niya pala ng best actress award, 'di ba?

"Hindi ko maramdaman 'yun." Hinayaan ko lang siyang umiyak ng umiyak hanggang sa may naisip akong kakaiba.

Hindi porke't nagdadrama na si Clarise dito ay dapat ko nang kalimutan ang misyon ko. Mabilis kong tinawag sina Cody gamit ang earbuds na suot-suot namin. Pumasok agad silang dalawa at nakita kong nagulat sila ng makita nila si Clarise na tahimik na umiiyak.

"Anong nangyari diyan?" Tanong sa'kin ni Cody habang tinuturo si Clarise. "Explain ko mamaya. Bantayan niyo muna." Sabi ko sa kanila at lumabas para kumuha ng tubig at ng lason na nasa bulsa ko lang naman. Mabilis kong ginawa ang dapat kong gawin at bumalik na ako sa loob ng room.

Mabilis akong lumapit sa kanya dala-dala ang bottled water.

"Oh, heto uminom ka muna." Tumingin siya sa akin at buong puso niyang tinanggap ang tubig na inalok ko sa kanya kahit wala naman talaga yata siyang puso. Hindi literal ah? Sapakan tayo kapag gano'n.

"Salamat." Mahina niyang sabi bago tuluyang inumin ang tubig. Naubos pa talaga niya. Uhaw pala 'to sa pansin este sa tubig e.

Binigay niya sa akin ang ngayo'y wala ng laman na bote ng tubig. Huminga siya ng malalim habang nakapikit ang kanyang mga mata. Naiinip ko siyang tinignan habang hinihintay ang epekto ng lason na binigay ko.

Makalipas lang ang ilang minuto ay kinapa ko na ang pulso niya. Wala na. Pinakinggan ko na rin ang dibdib niya at hindi ko na marinig ang tibok ng puso niya. Deadbol na nga talaga 'to.

"Cody, tignan mo nga kung buhay pa 'tong animal na 'to." Sabi ko sa kanya ng hindi pa rin inaalis ang tingin kay Clarise. Umusog ako ng kaunti para magkaroon ng space si Cody. Tahimik lang na naghihintay si Bryan malapit sa pinto. "Wala ng buhay ang isang 'to." Aniya kaya mabilis na naming dinaspatya si Clarise. Secret na kung paano namin ginawa 'yon.

"Uwi na tayo gutom na 'ko."

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon