20

1.7K 35 5
                                    

At exactly 9:00 pm in the evening, inayos ko na lahat ng gamit na kakailanganin ko. Nagpaalam ako kila Jisoo na kinabukasan na ako uuwi at may pupuntahan lang na importante. Hindi nila pwedeng malaman kung ano ang trabaho ko, hindi nila pwedeng malaman kung ano ang plano ko.

Later that day, noong kinausap ako ni Miss S, tinawagan niya ako to inform na may makakasama ako sa mission na 'to. After that, nakatanggap din ako ng tawag na nakalabas na ng military sina Cody at Bryan. Fortunately, sila ang makakasama ko sa pagligpit kay Clarise.

"Nasaan na kayo?" Tanong ko kay Cody over the phone. Nandito na ako sa hotel exactly 1 km away from Clarise's house.

"Nasa lobby na, anong room number mo?" Aniya.

"Room number 69." Tahimik kong sagot habang binubuksan ang bag na may mga laman na iba't ibang klaseng baril. Kumuha ako ng isa at kinabitan ko ito ng silencer. Mahirap na, baka sakaling kailanganin.

Ilang minuto lang ay nakarinig na ako ng pagkatok sa pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at tahimik kong pinapasok ang dalawa.

May dala rin silang mga sarili nilang baril. Hindi ko alam na bago pa sila mag military, nagtatrabaho na sila kay Miss S. What a coincidence.

"Ready na ba lahat?" Tanong sa akin ni Cody habang nagsusuot sila ng gloves at disguise. Tumango tango ako bago ako magsuot ng leather jacket. Inilugay ko lang ang buhok ko kasi because.

"Hmm saan tayo dadaan?" Biglang tanong ni Bryan. Nagkatinginan kami ni Cody.

"Pinsan ko ang may-ari ng hotel na 'to. Pinatay na niya lahat ng cctv sa mga dadaanan natin. All clear. Walang tao sa rooftop at wala ring pupunta doon. Doon natin gagawin ang misyon." Mahabang paliwanag ni Cody. Tumango na lang ako at saka kinuha ang baril na may silencer. Nilagay ko iyon sa likod ko sa ilalim ng jacket ko.

Lumabas na kami ng kwarto at normal na nagpunta papuntang rooftop. Hindi kami pinakealaman ng security maging ng mga hotel staff dahil kakampi namin sila, duh.

"Ladies first." Sabi ni Bryan nang makarating na kami sa rooftop. Inayos niya ang sniper na gagamitin ko sa position na sinabi ni Cody.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Bryan. Si Cody ang nagsisilbing lookout kung sakaling may mga nagbabantay pala kay Clarise at kung sakaling may makakita sa amin. Nasa kabilang building lang si Clarise, kitang-kita ko ang kapangitan niya mula sa sniper.

"Sandali," Biglang sabi ni Cody kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. Tinitignan niya ang building kung nasaan si Clarise gamit ang kanyang binoculars.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Napataas ako ng kilay ng nakita kong parang nagulat si Cody sa nakita niya. Tumingin na rin ako gamit ang sniper na gamit ko--- oh shit.

"So bale hindi pala sila magkakampi." Sabi bigla ni Cody kaya napatango ako.

"Putanginang magnanay 'to." Napamura ako dahil gusto kong matawa na ewan. Sino ba naman kasing hindi matatawa hindi ba? Si Clarise mismo ang pumatay sa sarili niyang ina. Ganoon siya kademonyo.

Nakita naming nakabulagta ang katawan ng nanay ni Clarise at ni Jennie na wala ng buhay. May dugo sa leeg niya at hawak pa ni Clarise ang kutsilyong ginamit niya.

Saktong-sakto at pwedeng-pwede ko na siyang tirahin este barilin mula sa pwesto niya. Saktong pagkalabit ko sa gatilyo ng sniper ang biglang pagbagsak ni Clarise sa kinatatayuan niya. Ngingiti na sana ako dahil nagawa ko na ang misyon ko pero agad itong nawala nang makita kong gumagalaw pa siya.

"Plan B." Tahimik na sabi ni Cody at nagligpit na agad kami ng gamit. Parang halimaw si Clarise, malalaman niya kung sino ang bumaril sa kanya kapag hindi kami umalis agad sa rooftop. Patakbo na kami pababa habang inaayos na ni Cody ang lahat para sa plan B.

"cctv cameras ng hotel na 'yon?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang bangs ko.

"Patay na lahat. Lahat ng security ni Clarise, napalitan na ng mga tao ko." Ani ni Cody. Mabilis kaming pumunta ng basement papunta sa daan patungong kabilang hotel. Mabuti na lang talaga at sister hotel ng hotel na 'to ang hotel na kinalalagyan ni Clarise ngayon.

Mabilis kaming nakaakyat sa room ni Clarise at naabutan namin siyang kinakapa ang sugat niya sa ulo. Mabilis kong inilabas ang baril ko na may silencer. Itinutok ko iyon sa kanya at saka dahan-dahang lumapit sa kanya.

"Demonyo ka talaga." Pang-aasar kong sabi sa kanya kaya bigla siyang napatingin sa akin. Napatawa ako ng sarkastiko sa hitsura niya. Mukha siyang demonyo na pinipilit na ipasok sa langit.

"Akala ko nung una anak ka lang ni Satanas. Ngayon si Satanas ka na talaga." Sabi ko pa sa kanya habang nakatitig ng mariin sa kanya.

Tinignan ko ang paligid at nagulat ako ng bigla na lang akong tumumba at nakapatong na sakin ang demonyo este si Clarise at may mapang-asar na ngiti sa mukha niyang parang si Sansan.

"Malakas ka na niyan?"

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon