18

1.9K 38 4
                                    

"Hoy Roseanne!" Tawag ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig dahil naka headphones nanaman siya. Kailan kaya mababasag ang eardrums nito? Hinampas ko siya ng unan at napatingin siya sa akin ng masama.

"Ano?! Binusted ka 'no?" Tanong niya sa akin kaya nagulat ako dahilan para mahampas ko siya ng malakas. Ininda niya ang sakit habang pinapalayo niya ako. Lahat na lang ba?!

"Ni hindi nga ako nanliligaw e!" Sigaw ko pabalik sa kanya dahilan para mapatakip siya ng tenga. So ibig sabihin mas malakas pa pala ang boses ko kesa sa pinapakinggan niya sa headphones niya?

"Kumain ka na nga lang diyan." Padabog kong sabi sa kanya bago umakyat papunta sa veranda. Gusto kong magpahangin, madaling araw pa lang pala pero gising na agad si Roseanne. Baka naman hindi lang talaga siya makatulog.

Tinignan ko ang sarili ko pero hindi pa pala ako nakakapagpalit. Nakatulog ako sa ganitong suot.

"Bakit may mga kutsilyo at baril ka sa loob ng damit mo?" Nagulat ako nang makarinig ako ng isang boses. Agad kong ibinalik sa dati ang damit ko at saka humarap sa kanya. Tinaasan ako ng kilay ni Roseanne kaya nataranta ako lalo.

"H-ha?" Nauutal kong sambit sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano ako makakapagpalusot nito?

"Bakit may mga kutsilyo at baril ka sa loob ng damit mo?" Pag-uulit ni Roseanne sa mas seryosong boses. Paano na 'to? Pilit kong tinago ang mga baril at kutsilyo pero lumapit siya sa akin at binuklat ulit ang jacket ko. Kumuha siya ng isang kutsilyo at iniangat.

"Saan mo nakuha 'to?" Tanong niya sa akin pero pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko. Hindi ako makapagdahilan, hindi na rin naman kasi ako makakalusot sa ganitong sitwasyon.

"Sorry." 'Yon lang ang nasabi ko sa kanya at nakita ko siyang napabuntong-hininga. Ibinalik niya sa dating ayos ang kutsilyo na nakalagay sa damit ko at saka sumandal malapit sa akin. Bumuntong-hininga ulit siya at saka ulit nagsalita.

"Ano ba talagang tinatago mo?" Tanong ni Roseanne sa akin at napayuko na lang ako. Hindi ito ang gusto kong sitwasyon para umamin sa kanya. Pero mabuti na rin at si Roseanne lang ang nakakita sa akin.

"Nagtetraining ako gabi-gabi bilang isang secret agent." Mahina kong sabi habang nananatili pa ring nakayuko. Hindi ako nakarinig ng kahit anong salita mula sa kanya. Nanatili lang ang ganoong katahimikan hanggang sa may narinig ako na kakaiba.

*click*

Mabilis kong inilingon ang ulo ko patungo sa direksyon na pinanggagalingan ng tunog. Tinignan ko muna saglit si Roseanne pero mukhang hindi niya narinig ang narinig kong. Masyado kasi itong mahina para sa tulad niyang hindi naman nagtraining hindi tulad ko. Binalikan ko ng tingin ang pinanggalingan ng tunog at nakita ko na lang ang likod ng isang babae na nakasuot ng itim habang papalayo siya sa kinatatayuan niya kanina. Nakita ko ang baril na hawak-hawak niya at mukha itong pamilyar.

Clarise?

Imposible. Paano naman niya malalaman ang tinitirhan namin? Hindi kaya ay sinundan niya kami kanina habang pauwi kami dito?

"Tuwing anong oras ang training mo?" Nabalik ako sa wisyo nang narinig ko nang magsalita si Roseanne. Nakatingin siya sa akin at halata sa mata niya ang..

excitement?

"10 pm hanggang 3 am." Sagot ko sa kanya bago ko huling balingan ng tingin ang babae na wala na sa paningin ko.

"Pwede din ba akong magtraining?" Tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Ang akala ko ay magagalit siya sa akin dahil naglihim ako sa kanya. Aba at iba pala ang mangyayari.

"Sure." Nakangiti kong sagot sa kanya hanggang sa nagtatatalon na lang siya sa tuwa. Tinawanan ko na lang siya dahil sa ginagawa niya at napatingin ako sa pintuan papasok ng bahay mula sa veranda ng makita kong nakatayo doon si Jennie.

"Unnie. Kamusta ka na?" Tanong ni Roseanne sa kanya at masigla naman itong sinagot ni Jennie. Hindi ako nakapagsalita dahil nakakaramdam ako ng pagkailang kay Jennie habang wala naman akong nararamdaman na ganito dati. Iniwas ko na lang ang tingin ko bago ako magpaalam sa kanilang dalawa.

Mabilis akong nagpunta sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Maayos kong tinago ang damit ko at saka naghanap ng mas komportableng damit. Sa totoo lang, hindi ko alam kung matutulog pa ba ako o ano. Pagod at inaantok ako pero ayaw talaga ako patulugin ng katawan ko.

"Matulog ka na." Narinig kong nabuksan ang pinto ng kwarto ko, and there she is. Standing as if she was my mother. Nakacrossed arms siyang nakasandal sa gilid ng pintuan habang nakatingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at saka nag-isip ng kung anong pwedeng gawin para mawala ang awkward na katahimikan sa aming dalawa.

"Okay ka na ba talaga?" Mahina kong tanong sa kanya at saka ko kinuha ang phone ko para maglaro. Para na rin hindi ko mapansin ang mga mata niyang kanina pa nakatitig sa akin.

"Oo, salamat." Aniya at bigla na lang akong nakarinig ng pagsarado ng pinto. Itinigil ko ang laro at saka tumingin sa pintuan na sinarado niya. Napabuntong-hininga ako sa kawalan at saka itinuloy ang larong hindi ko naman talaga dapat sinimulan.

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon