13

2.4K 53 1
                                    

Dumating na ang oras. Kasalukuyan na kaming nagpapaalam kina Cody, Brian, Timothy, Theo at sa iba pa. Magkakaroon pa rin naman ng communication sa aming lahat pero siyempre baka makahalata yung iba, lalo na si Clarise kapag hindi kami nagpaalam sa isa't isa.

"Naiiyak ako." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Roseanne habang dala dala niya ang mga gamit niya. Pinapaypayan niya pa yung mukha niya na kunwari ay talagang iyak na iyak na siya, kahit kaunti pa lang naman.

"Echosera. Bakit ka naman maiiyak, aber?" Pagtataas ko ng kilay sa kanya. Hindi ko mapigilang mainis sa mga kinikilos niya. Nasisiraan na ng ulo e.

"Makakakain na ako ng maramiiiii!" Sigaw niya sabay takbo palabas. Naiwan akong nakanganga at nakatingin lang sa kanya habang hinagis niya ang mga gamit niya. Paano ko ba siya naging kaibigan?

"Puta nasiraan na ng ulo." Bulong ko sa sarili ko habang pinupulot ko ang mga gamit na hinagis ni Roseanne. Nagulat ako ng may ibang kamay na humawak sa gamit ni Roseanne. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Jennie na nakangiti sa akin.

"Hindi niyo man lang ako hinintay." Medyo mahina at natatawa niyang sabi sa akin sabay abot ng gamit ni Roseanne. Takbo pa rin ng takbo paikot si Roseanne ng tignan namin siya ni Jennie. Nagkatinginan kami ni Jennie at sabay na natawa sa pagiging siraulo ng kaibigan ko. Hindi ko na napigilang umiling-iling habang nakatingin sa baba.

"Grabe pala siya kahyper." Aniya habang dala dala na rin pala ang sarili niyang gamit. Nakalimutan ko na sabay na nga pala siya sa amin. Wala naman na daw pake ang nanay niya. Mas pinili pa ang anak sa labas kesa sa anak sa loob. Teka, ano daw?

"Tara na, sabay na kayo sa akin. Hatid ko na kayo." Nakangiti niyang sabi saka bumaling ang tingin niya sa itim na van na kakadating lang. Napatigil din si Roseanne nang makita niya ang itim na van. Kumaripas siya ng takbo sa akin.

"Ms. Jennie?" Tanong niya ng mapansin niyang kasama na agad namin si Jennie. Hindi niya kasi alam na sabay sabay na lang kaming tatlo. Nauna nang sumampa si Jennie pero nanatili pa rin siyang nakadungaw sa amin.

"Roseanne, Lisa! Tara na, hatid ko na kayo." Sabi niya bago pumasok ng tuluyan sa loob ng van. Wala na kaming nagawa ni Roseanne kung hindi ang sumunod sa kanya. Sayang naman kasi hindi ba? Makakatipid pa kami sa pamasahe.

* * *

"Lisaaaa!" Salubong sa akin ni Jisoo habang tumatakbo papalapit sa akin. Nakasunod naman sa kanya ang asawa niyang nakangiti sa aming dalawa. Yinakap niya ako ng mahigpit at napansin kong napatingin si Seokjin kay Roseanne.

"Roseanne?" Tawag nito at sabay kaming napalingon ni Jisoo kay Roseanne. Halata ang gulat sa mga mata niya. Ganoon din si Seokjin.

"Seokjin?" Tawag din ni Roseanne habang hindi pa rin nakakagalaw sa pwesto niya. Nagkatinginan kami ni Jisoo bago bumaling ulit sa kanila.

"Magkakilala kayo?" Sabay naming tanong. Medyo natawa pa si Seokjin at Roseanne dahil nga sabay kami ni Jisoo. Mas lalo kaming naguluhan sa kanilang dalawa.

"Kamusta na si Tita?" Biglang tanong ni Seokjin kay Roseanne. Nakakaloka, hindi man lang kami pinansin. Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa? Ngumiti lang si Roseanne saka sumagot.

"Ayos naman. Eh si Tita? Kamusta na? Pati na rin si Tito?" Sunod-sunod na tanong ni Roseanne. Aba at hindi rin kami pinansin. Bago pa makasagot si Seokjin ay agad nang sumingit si Jisoo.

"Ano meron sa inyo?" Inosente niyang tanong habang nakakunot ang noo. Tumango lang ako dahil kanina ko pa gustong itanong 'yon. Lumapit si Seokjin para akbayan si Jisoo sabay ngiti.

"Siya ang pinsan ko. Ang mama niya, kapatid ng mama ko." Paliwanag ni Seokjin habang lumapit din sa akin si Roseanne habang tumatango. Aba at akalain mo nga naman, magkakakonektado pala lahat.

Tuluyan na kaming pinatuloy ng mag-asawa sa bahay nila. Pinagstay muna kami sa sala habang inihahanda ang dinner. Nagkukuwentuhan kami ni Jisoo nang biglang magring ang phone ko.

"Ma?" Tawag ko nang mapansin kong ngayon lang tumawag si mama. Hindi rin ako tinawagan ni papa kaya medyo naweirdohan ako sa kanila.

"Sorry kung ngayon lang ako nakatawag. May biglaang trabaho kasi ang papa mo at hindi ka na namin nahintay. Alam kong nandiyan ka kila Jisoo ngayon. Nakausap ko na rin siya tungkol dito."

Mahaba niyang sabi. Kahit isa wala akong naintindihan. Kumunot ang noo ko at tumingin kay Jisoo na nakangiti lang sa akin.

Weird.

"Ano meron ma?" Tanong ko kay mama.

"Apat na buwan kaming hindi makakauwi. Kaya kung ayos lang sayo, diyan ka muna titira sa kanila." Bahagya akong nagulat sa narinig ko. Natutuwa naman ako sa idea na titira ako kasama ng bestfriend ko, pero siyempre matagal-tagal pa bago ko makita ulit sila mama.

Nang matapos akong makipag-usap kay mama ay napansin kong may katext si Roseanne. Nalaman na pala ng mama niya na nakita niya uliy ang pinsan niya. Sa parehong kadahilanan, kailangan din muna ni Roseanne ng matutuluyan. Napag-usapan na rin ng mag-asawa ang tungkol dito kaya mas lalo akong natuwa. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan sa napakalaking bahay na 'to.

Malaki-laki naman 'to kaya hindi naman problema ang privacy. Magkasama kami ni Roseanne sa iisang kwarto, request ko 'yon kasi napakalaki ng kwarto. Naging masaya si Roseanne sa pagpayag ko na magkasama kami.

"Ang laki ng kwarto, shet." Namamanghang sabi ni Roseanne habang may pagkain nanaman sa bibig niya. Ano pa bang bago 'don? Humiga na ako sa kama ko at sa wakas, makakahawak na ulit ako ng phone kahit anong oras.

Nagulat ako nang mapansin kong may unregistered number na nagtext sa akin. Sino naman kaya 'to?

"Nakalimutan kong isave yung number ko sa phone mo. Isave mo na lang.

-Jennie"

destined | lisa ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon