Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa lobby ng hotel. Naghanap ako ng mauupuan at saka ko kinuha yung phone sa bulsa ko.
Hindi ko alam na naluha na pala ako kung hindi ko pa nakita na tumulo ang luha ko sa screen ng phone. Dinial ko ang number ni Roseanne. Ilang ring lang ay sumagot agad siya.
"Lisa?" Sagot ni Roseanne mula sa kabilang linya. Mas lalo akong naluha nang marinig ko ang boses niya.
Hindi kinakaya ng konsensya ko na papatayin ko ang isa sa kaibigan namin.
"Lisa, okay ka lang?" Tanong ni Roseanne kaya napagpasyahan kong lumabas na lang ng mismong hotel.
"Roseanne. Pwede ba tayong magkita?" Tanong ko sa kanya habang pinipilit kong pakalmahin ang boses ko para lang hindi niya mahalata na umiiyak ako.
"Text mo yung adress." Sagot niya bago inend ang call. Napasandal ako sa sarili ko i mean sa pader. Tinignan ko ang paligid at nasa isang eskenita na pala ako malapit sa hotel. Tinext ko kaagad ang adress kay Roseanne at naghanda na ako ng sarili ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa kanila ang trabaho ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin kay Roseanne na kailangan kong patayin si Jennie.
Kinapa ko ang bulsa ko at nakita kong naibulsa ko ang picture ni Jennie na ibinigay sa akin ni Cody kanina. Sa likod nito ay may nakasulat:
Jennie Kim, 25
• kailangan siyang patayin dahil sa hindi malamang dahilan. kahit si Miss S ay walang alam.
"Lisa?" Mabilis kong tinago ang picture ni Jennie sa bulsa ko at tinignan ko si Roseanne nang hindi man lang nagpupunas ng luha. Agad nanlaki ang mata ni Roseanne at dali-daling tumakbo papalapit sa akin. Niyakap niya agad ako at hindi ko na napigilang umiyak ng tuluyan.
"Lisa, anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Roseanne ng bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Ro-roseanne. M-may kailan-ngan akong aminin sa'yo." Sabi ko sa kanya at napakunot lang siya ng noo. Tumango lang siya, siguro para sabihin na magpatuloy lang ako sa sasabihin ko.
"Isa akong secret agent." Tahimik kong sabi sa kanya at nagtaka ako kung bakit hindi siya nagulat sa sinabi ko. Tumango lang siya ulit at nagsalita na lang ako.
"Pumapatay ako ng tao, ng masamang tao." Sabi ko sa kanya at yumuko ako para kalikutin ang mga daliri ko.
"Alam ko. Matagal ko ng alam." Napatingin agad ako sa kanya ng sinabi niya 'yon.
"Paano?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko. "Kay Cody." Tahimik niyang sabi at napatango na lang ako. "Hindi ko sinabi sa'yo na alam ko kasi baka tumigil ka. Sayang yung ambag mo sa bansa natin." Napatawa siya ng kaunti sa huli niyang mga sinabi kaya napangiti ako kahit kaunti.
Ilang minuto din tumagal ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at napagpasyahan ko ng sabihin yung dapat ko talagang sabihin.
"Masama ba si Jennie?" Tanong ko sa kanya at hindi siya kumibo. Bakit parang may alam siya.
"Oo, Lisa. Kaya sorry kung ipinipilit ko siya sa'yo." Sagot niya sa akin at nakatingin lang ako sa kanya. Inaabangan ko kung ano pa ang sasabihin niya. Inaabangan ko kung ano pa ang alam niya tungkol sa trabaho ko, kung anong alam niya tungkol kay Jennie.
"Kanina ko lang nalaman, pag-alis mo. Tinawagan ko si Cody at sinabi niya lahat. Lisa, hindi ako galit. Kung 'yon man ang inaalala mo ngayon." Pag-uumpisa niya at tumango lang ako.
"Matagal ko nang napapansin 'to kay Jennie. Pinapakita niya sa'yo na gusto ka niya, pero halatang hindi totoo. Parang may pumipilit sa kanya."
"Pinipilit niya ang sarili niya." Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita at nakita ko si Jisoo. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kanina lang ay natatakot ako sa kanila, natatakot akong patayin si Jennie. Pero bakit parang ngayon ay pinipilit pa nila ako?
"Lulong siya sa drugs Lisa. Nakita ko siya isang gabi malapit sa convenience store. May hinihithit siya na ewan. Tinapon niya 'yon sa kalsada at nung umalis na siya, linapitan ko ang pinagtapunan niya at pinulot ko yung hinihithit niya. Confirmed, drugs." Mahabang paliwanag ni Jisoo kaya napakunot ako ng noo. Kaya pala parang may nag-iba sa kinikilos ni Jennie simula pa lang noong bago ako makalabas ng military.
Bigla siyang bumait sa akin. Bigla na lang siyang naging maamong pusa mula sa pagiging tigre.
"Gawin mo na ang kailangan mong gawin Lisa. Ayaw kong lumala pa siya at gawin niya ang iniutos sa kanya ni Clarise." Napatigil ako sa sinabi ni Roseanne. Nabanggit nanaman yung pangalan ng bruhang 'yon.
"Tsaka tayo mag-uusap kapag nagawa mo na ang misyon mo." Dagdag pa ni Jin na nasa likod lang pala ni Jisoo. Nginitian nila akong tatlo bago ko sila hinila sa isang yakap.
Laking pasasalamat ko talaga na sila ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ang tulong nila.
Tumakbo na ako pabalik sa hotel at napansin kong pabalik na rin sila sa kotse ni Jin. Mabilis akong umakyat sa kwarto nila Cody at sinalubong ako ng dalawa na mukhang kanina pa 'ko hinihintay.
"Handa na 'ko."
***
Dala-dala ang baril na may silencer, maingat at tahimik kaming pumasok sa isang abandonadong building. Naiwan si Brian sa labasan para magsilbing look out. Siya na rin ang bahala sa mga camera na nakalagay sa loob ng buong building. Isa-isa niyang pinatay lahat at mabilis kaming nakapasok ni Cody.
Naghalikan pa ang mga bakla at napangiwi na lang ako sa ginawa nila.
Nagtago si Cody at sinenyasan ako na pumasok sa isang kwarto, kwarto kung saan natutulog si Jennie.
Nagising siya sa tunog ng pagbukas ko ng pinto at mabilis kong tinago sa likod ko ang baril na hawak-hawak ko. Kaswal ko siyang hinarap at dali-dali naman siyang napatayo mula sa pagkakahiga. Hindi gaanong kalakihan ang kwarto niya pero ibang-iba ang hitsura nito kaysa sa abandonadong lugar sa labas nito.
"A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan niyang tanong sa akin at simula noon, hindi na naalis sa mukha ko ang isang mapang asar na ngiti.
"Binibisita lang kita." Nakangiti kong sabi sa kanya at halata sa kanya na nagpapanic siya. Halatang nakahithit ng droga ang isang 'to.
"Hindi ka welcome dito." Isang pamilyar na boses ang narinig ko at nakita ko kung sino 'yon.
Si Clarise.
BINABASA MO ANG
destined | lisa ✔️
FanfictionDate Started: September 3, 2018 Date Ended: April 24, 2019 #19 kim