Part 2

3.7K 304 30
                                    

Isa sa pinakamatatakutin na tao si Tom na nakilala ko. Mas lalo kong napatunayan 'yan ngayon.

Halos hindi siya nakatulog kagabi sa nakita namin sa kabilang condo. Gusto ko pa sana pag usapan pero huwag na huwag ko na raw ioopen sa kanya 'yung topic na 'yun.

Pero dahil chismoso ako, naghanap ako ng mga pwedeng makaalam nang nangyari sa katabi naming condo.

Una kong tinanong 'yung security guard sa lobby. Ang sabi niya 11 years na siya sa condo, simula nang magbukas 'yung condo hanggang ngayon eh nandito siya.

Kaya tinanong ko sa kanya kung alam niya.

Si Manong guard 'yung typical guard na makikita mo sa mga establishments. Matangkad, malaki pwet tapos malaki din tyan.

"May isa ngang pangyayari about diyan sa kwartong 'yan" panimula ni Kuyang guard.

Talagang nag asikaso ako ng maaga para makipagchismisan sa kanya. 7 pa naman at 8 pasok ko kaya pinuntahan ko na siya.

"Kilala niyo po ba?" Tanong ko.

"Palagi niya akong binibigyan ng donut sa lobby kapag pauwi siya galing sa shift niyang pang gabi. Ang sabi, suicide daw pero sabi sabi, inatake sa puso."

"Babae po ba? O lalaki?"

"Babae. Mag isa lang siya don"

"Kailan pa po 'to?"

"4 years ago? Paano niyo po nalaman na namatay siya sa condo?"

"Well, may mga guests na nagpapalinis ng condo nila, isa siya sa mga guests na 'yun. Natagpuan lang siyang patay sa kama niya"

Fuck. So totoo talagang may namatay noon.

"Si Maam Cherry? 'Yung may ari ng condo? Minabuti na huwag na muna magpatira sa condo na 'yan. Pero dahil in demand lately mga condo, binuksan uli sa Market 'yung kwarto pero dahil sa kwento, walang nagtangkang bumili o magrenta"

Kinikilabutan ako. Tapos pumasok pa ako sa kwartong 'yun.

"Never na rin binuksan 'yun." Kwento pa niya.

At saka ako kinilabutan. Paano ako nakapasok kung nakasarado 'yun?!

7:20 pa lang naman kaya umakyat uli ako para icheck kung tapos na mag asikaso si Tom. Bago 'yun, sinubukan kong buksan 'yung kabilang pinto.

Sarado na nga.

Ang creepy.

Pagkabukas ko ng pinto namin, bumungad si Tom na parang palabas na rin kaya nagulat siya.

Napasigaw pa siya na parang babae.

"Punyemas naman Victoriano! Alam mong hindi pa ko nakakamove on kagabi tapos iiwan mo ko mag isa!!" Sabi niya.

"Nasaan na sila??"

"Alam mo naman mga 'yun, maagang kumikilos!"

"Tapos ka naman na mag asikaso eh!"

"Hindi ako naligo loko! Nagbasa lang ako ng buhok para mukhang naligo ako!"

"Kadiri ka! Maligo ka na muna!"

"Hindi na! Late na ako. May breakfast routine palagi team namin kaya kailangan nandoon ako. Buti na lang nag shower ako kagabi tapos naka aircon tayo. Hindi naman nila mahahalata, gwapo naman ako!" Sabi niya.

Pero bago ako makasagot hinatak na niya ako. Natatakot daw kasi siya sa kabilang kwarto kaya ayaw niyang tumambay sa labas.

Ayoko na lang muna isipin 'yung nangyari.

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon