Part 8

3.1K 250 68
                                    

Hinihintay ko pa ring ibalik ni Jared 'yung plato.

Nasa gym silang lahat maliban kay Justin na nakatambay sa kwarto.

Ako naman, nagpaiwan kasi nga umaasa akong ibabalik 'yung plato.

Nakapaghugas na ko't lahat lahat pero wala pa ring kumakatok.

Naglinis na rin ako ng condo para may magawa.

Sumilip ako sa labas pero nakasara pa rin pinto niya.

Pagod na akong maghintay sa tamang pag ibig, pagod pa akong maghintay sa plato.

Napagpasyahan ko na lang tumambay sa terrace para magpahangin.

Bihira lang akong tumambay dito kasi nauna nang tumambay sila Leo at Angelo dito. Kumabaga, pwesto na nila 'to.

Ang ganda ganda talaga ng view dito, ang hangin. Ang sarap magpasampal sa hangin.

Huminga ako nang malalim. Gusto ko sanang sumigaw pero ano namang isisigaw ko?

Lord pengeng jowa?

Eh feel ko may karma pa rin ako sa nagawa ko noon kaya parang ang unfair humiling ng jowa kay Lord.

Lord pengeng pera?

Hindi naman ganon si Lord.

"Hi Victor!" Halos mapasigaw ako sa gulat.

Sa kabilang terrace, nandoon si Jared, nakaupo habang nakaharap sa laptop niya.

WALA BA SIYANG DAMIT? bakit shirtless siya.

Oh gosh. Ang hairy ng chest niya. Hindi naman super hairy na parang buhok na tao na siya, may buhok lang sa dibdib part tapos ang sexy tignan.

Napalunok ako.

Ang sarap.

"Hi.." nautal kong sabi.

Kalma Victor. Nasa kabilang side siya. Paano pa kapag magkaharap kayo. Kalma.

"Kanina ka pa nakatayo diyan ah? Nagmomoment?" Tanong niya.

Fuck. So kanina pa niya ako nakita?

Paano na lang kung dumukot ako sa pwet ko tapos inamoy ko (which hindi ko ginagawa promise) tapos nakita niya?!

"Hehe. Stress lang" sabi ko kahit stress reliever 'yung aura niya.

"Ako rin! Nagbakasyon lang ako pero tambak na ako ng trabaho ngayon!"

"Hehe ang sarap mo"

Ofcourse, hindi ko sinabi 'yun.

"Hehe, kailangan mag work eh." Bakit ganito ako? Ang panget nang sinasabi ko.

"Tama. Kailangan talaga. Kailangan magpakain ng anak" sabi niya.

"Anak????"

"Yeap."

"May anak ka na?"

By the way, everytime sasagot siya, tumitingin siya sa'kin tapos saka uli siya titingin sa laptop niya para mag type.

Talk about proper etiquette.

"Puppy. Not, human baby haha ang bata ko pa para sa anak."

Right on cue may lumabas na puppy na tumatahol sa kanya.

Golden retriever 'to pero mukhang puppy pa kasi maliit pa eh.

"Gustong gusto niya 'yung spaghetti! Gusto ko nga ubusin eh pero hinatian ko pa siya"

"Ang cute!"

"Ako? Hehe"

Yes ikaw!

"Ano name niya?" Tanong ko.

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon