Part 27

6.3K 283 195
                                    

Naliligo ako sa hotel ngayon. Kakatapos lang ni Hector.

Hindi na ako sumama sa kwarto ni Tom at Jenica kasi nakakahiya kung nandoon kami ni Hector.

Ngayon, tapos na ako magshower. Thanks sa hilot ni Hector, nawala 'yung pagod ko at sobrang relaxed ng katawan ko.

Nakaharap ako sa salamin. Thank God wala akong pimples today!

Nagkuskos na rin ako ng bibig. Masyadong gamit bibig ko maghapon eh.

Hindi rin ako nageexpect na may mangyayari pero nagkuskos na rin ako ng pwet. We'll never know.

Nagbihis na ako saka ako lumabas.

Hingang malalim.

Then nakita ko siyang nakasandal sa may kama habang nagbabasa.

Up to now, mahilig pa rin talaga siyang magbasa ng libro.

Sumenyas siya na tumabi sa kanya.

Nakaakbay kaagad siya, nakasandal ako sa balikat niya.

"Tapusin ko lang 'tong chapter" sabi niya.

Ang tahimik sa loob. Isang ilaw lang nakabukas, sa kusina lang kaya ang dim ng paligid pero ang sarap sa pakiramdam.

Sinara na niya 'yung libro tapos nahiga na kami pareho. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Ang bango mo naman" bulong niya.

Diyan nagsisimula 'yan! Sa bulong na ganyan tapos mamaya nagsesex na kami.

"Miss na Miss kita. Alam mo ba 'yun?" Sabi uli niya.

"Ako rin"

Nanahimik kami sandali.

Nararamdaman ko na hinahagod niya likuran ko at ang sarap sa pakiradam.

"Bakit ang galing mo magmasahe???" Bigla kong tanong

"Hmm. Alam ko lang kung paano ka pasayahin"

Hindi niya ako nakikita pero alam kong alam niyang nakangiti ako kasi naramdaman ko rin pagngiti niya.

"Gusto ko sanang ituloy 'yung hilot ko sa'yo" sabi niya.

"Uhm. Okay lang sa'kin"

"Gusto ko. Pero mapusok ako eh. Baka mamaya kung anong gawin natin. Gusto ko kapag gagawin na uli natin 'yun, wala ka nang iniisip na iba"

Si Jared siguro tinutukoy niya.

"Okay." Sagot ko lang.

Pero hinalikan niya ako sa pisngi nang matagal.

Tapos bumaba sa leeg ko. Napapikit ako sa sarap nang hagod ng labi niya.

Napapakagat lang ako ng labi.

Tapos umakyat 'yung halik niya sa labi ko.

Kiss lang nung una pero naging passionate na. Kung paano niya ako halikan kanina sa rooftop, ganito ginagawa niya ngayon.

Pero bigla rin siyang kumawala.

"Matulog na tayo" sabi niya.

Ngumiti lang ako.

"Goodnight" sabi ko.

"Goodnight, Mahal!"

Niyakap niya uli ako nang mahigpit. Hindi ako nahirapan sa pagtulog kasi alam kong katabi ko naman si Hector.

***************

Nagising ako kasi babangon si Hector.

Ang taas na rin ng sikat ng araw pagmulat ng mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon