Part 21

3.6K 227 53
                                    

To be honest, mas gusto ko 'tong plano ni Jared kumpara kay Sir Jayden. Nakaidlip na ako sandali sandali sa hangin.

Ang presko kasi, mahangin tapos first time ko pa makakita ng alitaptap!

Hindi pala siya katulad sa cartoons na parang bubuyog na malaki, maliit lang pala sila.

Meron ngang nakapasok na ilan sa kubo ko kaya pinapasok ko sila sa kulambo ko baka lamukin sila.

Ang ganda talaga. Tapos sobrang dilim pa. Nakakamangha.

Sa susunod, gusto ko din magbakasyon sa ganito.

Habang nag eenjoy ako sa alitaptap, may napansin ako sa labas na parang may nakatayo.

Hindi siya gumagalaw. Nakatayo lang talaga siya sa labas.

Eto na nga ba sinasabi ko eh! Totoo nga 'yung balita about dito na maraming multo.

Pero biglang bumukas 'yung pinto at may lalaki na may dalang pagkain 'yung bumungad sa'kin.

Muntik na akong mapasigaw.

"Baka nagugutom po kayo" sabi niya ng may punto.

Minsan naiisip ko, paano kung may punto rin pananalita ko sa mga tao sa probinsiya? At hindi sila 'yung may punto kung hindi ako?

"Ah. Salamat!" Sagot ko na lang.

Puro prutas binigay sa'kin. Mangga na may bagoong, santol, saging, pakwan at kiwi.

"Baka po gusto niyong makisaya sa'min" sabi niya pa.

"Hindi na. Okay na ako dito. Salamat"

"Sige po kaso kayo lang po 'yung wala. Lahat po nang kasamahan niyo nandoon" sabi niya.

Napatayo agad ako sa pwesto ko saka binitbit 'yung binigay niyang pagkain.

Naglakad ako doon sa malaking apoy at nakita ko nga silang lahat na nakaupo doon habang umiinom.

May tugtog din at may mga sumasayaw pero sila, nakaupo lang at nanunuod.

Tumabi ako kay Tom.

"Bakit hindi mo man lang ako tinawag?" Bulong ko sa kanya.

"Naka idlip ka kaya kanina" sabi niya.

"Kanina pa kayo nandito?"

"Oo. Nagbihis lang kami. Tapos sabi ni Jared makisali daw kami dito so eto, umiinom kami ng lambanog!"

Inabutan niya ako ng baso ng alak.

Inamoy amoy ko muna bago ko inumin. (May naalala lang ako pero bastos)

Masarap naman pala. Ginawa ko na lang chaser 'yung prutas na binigay sa'kin nung lalaki.

Busy si Tom makipagusap kay Jenica at medyo nagseselos na ako kasi feeling ko wala na siyang time sa'kin.

May napansin naman akong mag asawa na nagsasayaw tapos pinapalibutan sila habang nagpapalakpakan.

'Yung katabi kong babae, napansin ata na nakatingin ako.

"Bagong kasal. Tradisyon na dapat magsayaw sila habang pinapalibutan ng mga kamag anak nila habang nagpapalakpakan" sabi niya bigla.

"Para saan naman po 'yun?"

"Para mas tumagal pagsasama nila. Kada palakpak ng kamag anak, katumbas ay taon nang pagsasama"

"Wow. Edi forever na silang magsasama niyan!"

Nakakatuwa lang na nasa Pilipinas pa rin naman ako pero may iba silang kultura dito.

"Ano po 'yung bulaklak na nakadikit sa damit nung babae?" Tanong ko.

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon