Part 24

2.9K 260 60
                                    

Excited na ako sa plano ni Sir Jordan kasi magchichill lang daw kami sa Tagaytay.

Matapos nang lahat ng drama dito, parang gusto ko na lang mahiga sa malambot na higaan at matulog nang matulog.

Naghihintay kami ng 6PM para sa flight at nandito na kaming lahat sa airport.

Hindi pa rin kami nagpapansinang tatlo. Si Jared at Sir Jayden naka earphones lang.

Si Sir Jordan naman, masaya na kasi nagcharge na uli phone niya.

Si Tom naman kasama ko, nakwento ko sa kanya lahat kaya ang sabi niya sa kanya muna ako tumabi.

Surprisingly, ang payapa ng flight. Ang tahimik, katabi ko si Sir Jordan kasi hindi ko ma take landian ni Tom at Jenica.

Busy naman siya sa laptop kaya ang tahimik talaga.

Since nasa window side ako, nakatingin na lang ako sa view.

Ignorante pa rin talaga ako pagdating dito kaya inenjoy ko last na sakay ko ng eroplano ngayon.

Narinig ko namang sinara ni Sir Jordan 'yung laptop niya kaya napatingin ako.

"Masaya ka ba sa bakasyon?" Tanong ni Sir Jordan.

"Sobra, Sir. Thank you!"

Saktong may dumating na attendant at binigyan kami ng salad at juice.

Infairness, ang sarap din ng pagkain sa eroplano.

"Ano pong gagawin sa Tagaytay?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm. Secret."

"So may plano po kayo? Sabi kasi nila Sir Jayden chill lang daw pagdating sainyo"

"Chill nga lang pero this year kasi may plano ako" sabi niya.

"Pwede ko bang malaman?"

Nag isip siya ng konti sabay ngiti.

"Siguro may kinalaman 'to sa'yo" sabi niya.

"Sa'kin?"

"Oo. Sa'yo."

Baka alam na niya 'yung kay Sir Jayden at Jared.

Kinakabahan tuloy ako pero mukhang hindi naman.

"Ano pong meron sa'kin?" Tanong ko.

"Basta mamaya. Malalaman mo." Sabi niya sabay ngiti

Ngayon lang naging ganito si Sir Jordan sa'kin. Ang weird. Pero hinayaan ko.

Hanggang sa makababa kami ng eroplano at pagsakay ng sasakyan, hindi ako umiimik.

9PM na kami nakarating ng Tagaytay, mabuti na lang malamig.

Hindi lang 'yon, sa hotel pa kami mag sstay kaya okay na okay.

Ang ganda ng reception ng hotel. Naupo muna kami sa gilid habang kumukuha ng kwarto si Sir Jordan.

Pagkabigay sa'min ng susi, dumiretso kaagad kami sa kwarto. Magkakasama uli kaming tatlo.

Ang maganda pa sa hotel namin, sa 10th floor kami tapos may view pa na maganda sa bintana.

Nagsolo muna ako rito para mapag isa.

Nagpaalam naman si Tom sa'kin na aalis sila ni Jenica para maglakad lakad. Hindi na ako sumama kahit niyaya nila ako.

Atleast, solo ko 'yung kwarto.

Humiga kaagad ako.

Nakatingin lang ako sa kisame.

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon