Nakaupo lang ako sa buhangin. Hinahayaan ko lang na mabasa ako ng alon ng dagat.
Si Jenica at Tom naman naghaharutan sa medyo malayong part.
Paano ako makakapag scuba diving kung hindi ako marunong lumangoy?
Kinakabahan ako pero hindi naman ako pwedeng umayaw.
Pwede, kaso si Sir Jayden naman malalagot.
"Bakit ayaw mo maligo?"
Tinignan ko kung sino nagsalita, si Sir Jayden.
Naka TShirt siya at short.
Kahit gusto kong makita kung ano 'yung nasa ilalim ng damit niya, alam kong hindi siya maghuhubad kasi makikita 'yung sugat niya sa katawan.
Sabi nila nakakagaling ng sugat 'yung tubig dagat. Baka kaya gusto niyang magdagat, para gumaling mga sugat niya.
Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?"
Huminga ako ng malalim.
"Hindi ako marunong lumangoy"Bigla naman siyang natawa.
"Eh ano naman?" Sabi niya.
"Ano naman?! Eh lulubog tayo sa dagat! Paano ako makakalangoy!"
"Hindi mo naman kailangan malaman kung paano lumangoy eh. Lulubog lang tayo sa dagat tapos ayun, kung gusto mo maglakad, maglakad ka sa ilalim ng tubig! Ganon lang."
Pero hindi pa rin ako convinced.
"Takot ka ba sa tubig?" Tanong niya.
"Hindi. Araw araw naman ako naliligo eh"
"Haha I mean takot ka ba sa malalim na tubig?"
"Takot ako malunod" sabi ko.
Bigla naman siyang tumayo tapos inabot niya kamay niya sa'kin.
Hindi ko pinansin.
"Tara" sabi niya.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta. Tara"
Kinuha ko kamay niya at tumayo ako.
Naglakad kami papunta sa tubig.
"Woah. Ayoko!"
"Trust me. Dali" sabi niya.
Okay lang naman sa'kin lumayo sa dagat. Kahit hanggang dibdib pa 'yung tubig, okay lang.
Kinakabahan lang ako ngayon kasi alam ko, kailangan kong lumubog sa ilalim.
Nasa hita ko na 'yung tubig.
Hindi naman malakas 'yung alon kaya naglakad pa kami palayo.
Nagulat ako nang biglang lalim at hanggang leeg ko na 'yung tubig.
Agad niya akong inalalayan. Sa kanya kasi hanggang dibdib pa lang.
Napayakap tuloy ako sa kanya.
Pero mukhang okay lang naman sa kanya.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Malapit mukha namin sa isa't isa pero iniwasan ko talagang makipag harap harapan sa kanya.
Nakahawak ako sa balikat niya, nakahawak siya sa bewang ko.
Buhat buhat niya ako sa ilalim ng tubig.
"Bitaw ka sa'kin" sabi niya.
"Ayoko! Lulubog ako!"
"Hindi. Promise. Hahawakan kita. Hindi kita bibitawan"
Dahan dahan kong tinanggal kamay ko sa balikat niya. Hawak pa rin niya ako sa bewang.
Nang makabitaw na ako, hinawakan niya ako sa leeg. Agad ako nataranta.
"Wait wait lulubog ako!"
"Trust me!"
Wala akong nagawa kung hindi mag tiwala.
Hiniga niya ako nang nakalutang.
Good thing wala akong boner kung hindi makikita niya talaga.
Hawak niya ako sa leeg at sa pwetan.
Pasalamat na lang at natatakpan ng ulap 'yung araw.
Then naramdaman ko na parang ang gaan gaan ko.
Alam niyo 'yung moment na 'yun? Na lumulutang ka sa tubig tapos natatakpan ng tubig 'yung tenga mo kaya naririnig mo lang 'yung tunog sa ilalim ng dagat tapos marerealize mo ang payapa pala.
Napapikit pa ako.
Ang sarap sa pakiramdam.
Then pagdilat ko, nakatingin sa'kin si Sir Jayden.
"Lumulutang ka na." Sabi niya.
Pinakita niya sa'kin kamay niya na hindi nakahawak sa'kin.
So kanina pa pala siya nakabitaw.
Nang marealize ko na walang nakahawak sa'kin, bigla akong nagpanic.
Napahawak agad ako sa kanya at parehas kaming lumubog.
Sa kakapanic ko, napayakap ako sa kanya. Yakap talaga. Buong katawan ko nakayakap sa kanya habang nasa ilalim ng tubig.
Mabuti na lang marunong siyang lumangoy.
Pero hindi kami umalis sa pwesto namin.
BINABASA MO ANG
My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)
HumorPangalawang libro ni Victoriano. Sundan ang buhay niya sa panibagong mundong papasukin niya.