Part 4

3.5K 287 54
                                    

Halos mapuyat ako kagabi pero salamat sa gatas na ininom ko, nakatulog ako.

Asusual, nagising ako sa masarap na amoy na luto ni Tom. Kahit mga kasama namin, gustong gusto na rin luto ni Tom.

Ayoko na ikwento kay Tom nangyari kagabi kasi siguradong magagalit na naman 'to dahil nagkekwento ako nang katatakutan.

Pagkatapos namin kumain, nakatambay lang kami sa condo. Sunday kasi ngayon pero sigurado na aalis si Tom at makikipag date kay Paula.

Kaya nung lunch, wala na si Tom at kami kami na lang natira.

"Victor!" Tawag sa'kin ni Leo sa kwarto.

"Yow" kapag si Leo nagsasalita minsan napapa conyo na rin ako eh.

"Samahan mo naman ako. Will buy some stuff lang sa grocery"

"Sure tara!"

"I already asked Gelo pero ayaw niya. Justin naman seems to have an appointment already"

"Okay lang. Now na?"

"Yes sana?"

Nag asikaso na ako. Nakabihis na rin si Leo pagkatapos kaya umalis na kami kaagad.

Pumunta kaming grocery na may dalang malaking cart.

"You know Victor, I have this weird na panaginip last night." Bigla niyang kwento.

"Ohh??"

"Yeah. Some kid is looking for you. Bata, I don't remember 'yung actual na nangyari pero yeah. Ang weird lang"

Fuck. Hanggang sa mga ka dorm ko nagpaparamdam 'yung babae.

Hindi na ako sumagot kasi mamaya makwento ko pa.

Tapos parang hindi mapakali si Leo. Tumitingin tingin sa paligid.

"Bakit?" Tanong ko.

"I dunno if you saw them kanina pero sila 'yung nasa lobby sa building kanina. 'Yung mga guys sa likod natin"

Hindi naman ako nag obvious. Buti nalang may salamin kaya tinignan ko nasa likod namin.

Hindi ko sila napansin kanina.

Siguro kasi hindi naman sila cute para mapansin.

Pero dalawang lalaki 'yun na nakaitim na jacket at cap na black.

"Dude, I'm pretty sure na sinusundan nila tayo" sabi niya.

Kumalma ako. Feel ko hindi sanay si Leo sa ganito.

Hindi rin naman ako sanay. Never pa naman ako hinabol ng lalaki sa grocery store.

One time, kami ni Hector naghahabulan sa grocery kasi malandi kami that time.

Pero iba 'to!

Naglalakad pa rin kami. Sinubukan namin lumiko sa may bilihan ng keso.

Nasa likod pa rin sila.

Literal na iniikot namin kada aisle sa grocery at sumusunod nga sila.

Fuck.

Bakit ganito? Anong nangayayari?

Nagsimula lahat ng weirdness simula nang pumasok kami ni Tom sa kabilang condo.

Nagpapanic na si Leo. Nakikita kong medyo shaky siya pero pinakalma ko siya.

"May bibilhin ka pa ba?" Tanong ko.

"Wa....wala na"

"Kalma, Leo. Baka namimili din sila"

My Favorite Summer (Victoriano Series Book #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon