Chapter 1

581 26 0
                                    

**Dian's POV**

"Good morning Isla Ganda and good morning world!" nakangiti kong sabi ng magising sabay hikab.

Nag sign of the cross muna ako bago ko iniligpit ang higaan ko at lumabas.

Medyo madilim pa ang paligid kaya naisipan kong tumungo sa favorite spot ko dito samin,yung puno ng mangga na nasa dalampasigan,papanoorin ko ang Sunrise na kasing ganda ko.

Pagka-upo ko dun ay matik akong napangiti lalo na nung namasdan ko ang bukang liway-way.

Nakapakaganda talaga ng sunrise,syempre pa rin ang sunset.

Ang sunrise kasi ang sumisimbolo ng bagong umaga,bagong pag-asa,at bagong pagkakataon na ibinigay ng poong maykapal.

Gaya nga ng laging sinasabi ni itay sakin...

'Hangga't nakikita mo ang bukang liway-way,wag kang mawawalan ng pag-asa.Dahil pinagkalooban ka ng Diyos ng bagong simula,bagong araw para makamit ang mga pangarap mo.'

Ewan ko ba kay itay,masyadong malalim eh.

Pero tama naman talaga siya,lagi naman siyang tama eh.Hehe.

Ang swerte ko talaga at may mapagmahal akong tatay.

"DIANNNA!"

Oh,gising na pala si inay.

Agad akong tumayo saka nagsimula ng maglakad pabalik sa bahay pero napahinto ako ng may naapakan akong something--hindi ebak ah!

Matigas na medyo malambot eh--OPPS!Utak besh!Nature na sa sobrang green.

Yumuko ako para tignan ang kung ano man yung naapakan ko.

Pero laking gulat ko sa nakita ko.
















































KAMAY NG LALAKI!!




Mula sa kamay nito ay dumako ang tingin ko sa braso,sa balikat,sa leeg at SHEET--Six packs!

Matik akong napaiwas ng tingin.

Shemarimar!Mah virgin eyes!

Pero,Uy!May pantalon pa rin siya ah!Baka kung ano na ang nasa isip mo.

Mariin akong pumikit saka sinipa-sipa ang tagiliran nung lalaki para magising,mahina lang ah.

"Uy,mama!Kyah!Uyy!"patuloy ko siyang sinisipa.

Diyos ko,hindi ko to kaya!

Bakit ba kasi andito 'tong nilalang na'to?!

Hindi siya pamilyar sakin at sure na sure akong hindi siya taga rito sa isla,dahil wala ni kahit sino sa mga lalaki dito ang may six packs.

Yung mga binatilyo at mga kaedad ko apat lang,yung mga may pamilya na,dalawa na lang may isa na nga lang eh,yung mga matatanda naman halos buto buto na.

Kaya imposible talagang taga dito 'to.

"Uyy!Gising!"

Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko,dahan-dahan para hindi ko makita ang nais makita ng malandi kong mata.

Shet!Mah cute eyes,behave!

Hindi mo ito kilala,malay mo rapist 'to!

Sayang ang ganda mo self kung magagahasa ka lang.

Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon