Chapter 13

282 16 1
                                    

**Dian's POV**

Napairap ako sa dalawang nilalang na masama ang tingin sa isa't isa habang nagwawalis sa bakuran.

Bilib din ako sa dalawang 'to eh,hindi ba sumasakit ang mga mata nila kakasama ng tingin sa isa't-isa?

Kulang na nga lang may lumabas na laser sa mga mata nila.

"Di ba talaga kayo titigil?!"inis kong sigaw dalawa na agad ding nag iwas ng tingin sa isa't isa.

Nakaupo ako ngayon sa duyan namin na nakatali sa dalawang puno ng mangga sa bakuran namin,yung mga tuyong dahon nitong mga puno ang winawalis nila.

Humiga ako sa duyan saka pumikit.

Hay...sarap ng buhay pag may maid.HAHAHA.

Nasa ganun akong posisyon ng biglang nagsalita si Dy.

"Myyyyy...pagod na kami..."parang batang sabi niya.

Minulat ko ang mga mata ko saka umupo.

Nakaupo silang dalawa sa buhangin habang hingal na hingal.

Buhangin pa rin kasi itong bakuran namin pero matigas na siya,may lupa na rin kasing nahalo.

"Yep,were dead tired."pagod na sabi naman ni Blake saka nahiga sa buhangin pero agad ding napaupo saka napa-aray.

Yan kasi,higa-higa pa eh may bahay ng langgam diyan eh.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa pisnge ko nagkukunwaring nag-iisip.

Napatingin silang dalawa sakin.Naks!Nabighani na naman sa beauty ko.

Flip hair ulit!

"Hmm..Okay!"sabi ko sabay tayo mula sa duyan.

Sabay silang napatayo saka nagtatalon.

Tss..parang mga bata lang.

Bilib din ako dito ako Blake eh,parang hindi nagpalutang-lutang no?Ang bilis makaget over.

"Hep!"napatigil sila sa pagtatalon,agad nilang inalis ang mga ngiti sa labi saka automatic na umayos ng tayo paharap sakin.

Shet,ba't ang gugwapo ng mga nilalang nato?

"Maligo na kayo,Dy pahiramin mo ng damit tong si Blake.Sasamahan nyo akong mamalengke."sabi ko sabay talikod at pumasok sa bahay.

"Palengke?Diba gross dun and magulo?"mahinang tanong ni Blake kay Dy pero dinig na dinig ko.

Napanting ang tenga ko.

Aba!Ang arte naman nito,kalalaking tao!Siguro mayamang angkan ang pinanggalingan nito.

Agad akong napatigil saka humarap sa dalawa.

"May sinasabi kayo?"taray kong tanong sa dalawa.

Agad silang nag iwas ng tingin,siniko pa  ni Dy si Blake saka takot na ngumiti sakin.

Ta'mo'tong si Dy,parang kanina lang galit na galit ngayon parang na silang magbest friend ah.

"Hmp."sabi ko sabay walk out.

***

Confident akong naglakad sa gitna ng daan,nasa likod ko kasi ang pinakagwapong nilalang sa isla.

Gwapo talaga!Kahit naka pamprobinsyanong damit.Kahit ata basahan bagay na bagay sa dalawang to eh.

Lalo na ni Dy.

Ahem!Bias!

Hehe.Para akong prinsesa na sinusundan ng mga kawal,mga poging kawal.

Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon