**Dian's POV**
Naiilang akong sumubo habang nakatingin sa dalawang nilalang na kapwa masama ang tingin sa isa't isa.
"T-Teka nga!"inis kong binaba ang kutsara ko saka inis na tinignan ang dalawa.
"Nasa harap tayo ng grasya tapos kung matinginan kayo parang sasabak kayo sa gyera ah!"inis akong nagpabaling-baling ng tingin sa dalawa.
Sabay silang tumingin sakin.
"Siya kasi eh!"parang batang sumbong ni Dy saka tinuro si Blake na kaharap niya,agad nanlaki ang mga mata ni Blake sa sinabi ni Dy.
"Me?!Why me?Ikaw kaya!"slang pang sabi ni Blake.
Sayang wala si inay ngayon,kundi baka binatukan niya na tong dalawa.
Nagsimula naman silang magtapunan ng masamang tingin.
"Back off,she's mine."seryosong sabi ni Dy habang masama ang tingin sa karap niya.
Nasa gitna nila kasi ako nakaupo kaya kitang kita ko ang ekspresyon ng mga mukha nila.
Bali ganto.
Dy
---------
I TABLE I Me
---------
BlakeWalang nakaupo sa harap ko.
"Oh really?"pang-iinis lalo ni Blake.
Inis kong pinukpok ang mesa.
"TEKA NGAAA!"
Takot silang napatingin sakin.
"Kanina pa kayo ah!Hindi ba kayo nakakaintindi?!Pagsinabi kong 'tama na',TAMA NA TALAGA!Nakakainis na talaga kayo eh!KAYA PATI AKO NAPAPASIGAW NA RIN!"halos lumuwa ang cute kong mata.
Inis kong sinubo ang natitira kong pagkain sa plato saka ininum ang tubig sa tabi nito ng hindi inaalis ang tingin sa dalawa na nakayuko habang sumusubo.
Padabog akong tumayo.
"Hugasan niyo tong pinagkainan ha?Kung hindi papalayasin ko talaga kayo.Hmp."sabi ko sabay talikod saka pumunta sa sala at naupo saka ipinatong ang paa ko sa center table.Yaan niyo na wala naman si inay eh.
"Ikaw ang maghugas nito,ikaw yong bago kaya ikaw ang gumawa."rinig kong sabi ni Dy.
Aba!
"What?!Ikaw dapat yong maghugas kasi nga ako yong bago,I'm a visitor here."slang na sabi ni Blake
Isa pa'to!Sarap nilang paguntugin.
"What?!"bulalas ni Dy.
Nagpatuloy lang silang nagbangayan ng tumayo ako saka sumilip sa ginawa nila.
Isinandal ko ang balikat ko sa ding-ding saka bahagyang iniangat ang isa kong paa saka nag cross arms.Yung parang siga sa kanto,hahaha.
Nakatayo silang dalawa habang nagtutulakan papunta sa lababo.Malinis na yung lamesa pero yung lahat ng hugasin nasa lababo pa rin.
"Ikaw na kasi!"sabi ni Dy habang pilit tinutulak si Blake sa lababo,pareho lang naman sila ng laki ng katawan pati height hindi talaga sila mahihirapang itulak ang isa't isa.
"Ikaw na nga!Bago lang ako dito!"slang sabi ni Blake saka tinulak naman si Dy.
"Eh kung suntukin kita!"akmang aambahan ng suntok ni Dy si Blake pero nakaready na rin Blake na ambahan ng suntok si Dy.
"Ahem!Ginagawa niyo?"seryoso kong tanong sa dalawa.
Agad silang napaayos ng tayo saka nag iwas ng tingin,kunyare hindi nahuli.
"W-Wala..."-Dy
"N-Nothing..."-Blake
Tinaasan ko sila ng kilay.
"Ah talaga?Oh ba't hindi pa rin hugas ang mga hugasin?"mataray kong tanong,yung parang ako yung mayordoma sa mansyon tapos sila yung baguhan na mga maid.
"A-ahh.."-Blake
"Ehh.."-Dy
"Huhugasan niyo yan o lalayas kayo?"pagtataray ko ulit sa dalawa.
Agad silang humarap sa lababo saka nagsimula ng maghugas,pero ayun nagsisikuhan pa rin.
"Pag may nabasag diyan,babasagin ko yang pagmumukha niyo.Naiintindihan niyo?!"inis kong sigaw sa dalawa na agad dinahan-dahan ang paghawak sa babasagin.
Pfft..
"O-Oo.."-Dy
"Y-Yes.."-Blake
"Good."proud kong sabi sabay balik sa sala.
"Whew!She's scary."narinig ko pang sabi ni Blake.
Agad tumaas ang isa kong kilay.
"Shut up,marinig ka pa nun,bali talaga yang leeg mo."pabulong na saway ni Dy pero narinig ko din naman.
Mahina akong napatawa.
Ang cute ng dalawang yun,parang mga maamong aso.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Island
FanfictionAng tagal ko nang hinahanap ang taong para sa'kin. Tahimik na naghihintay, tahimik na nananalangin. Yun pala sa DALAMPASIGAN ko lang siya matatagpuan habang nakadapa sa buhangin. --- Another 'MayWard' Fanfic