**Dian's POV**
Hmmp!Bwisit yung mokong na yun!Badtrip sa umaga😒
Ke aga-aga nambubwisit...
Naglakad lang ako ng naglakad...diko na alam kong saang daan ako dumaan basta naglakad lang ako palayo sa bahay namin,malayo sa bwisit na poging yun...hmp
Nang napagod na ako kakalakad ay huminto ako at umupo sa buhangin....
Actually,natatanaw ko mula dito yung bahay namin,medyo malayo-layo rin pero di naman nila ako makikita eh,may malaking bato kasi sa gilid ko na tumatakip sakin....
Hay...buti pa dito peaceful
Ang ganda dito....kitang kita ko mula dito ang bukangliway-way....
(Pic. above ☺️ ccto)
Maaga pa pala,uminit kasi ulo ko kaya akala ko tanghali na...
Kumuha ako ng bato,yung tama lang ginawa kong unan,humiga na kasi ako sa buhangin eh
Napapikit nalang ako...
Grabe...damang-dama ko yung lamig ng buhangin sa katawan ko,rinig na rinig ko ang mga hampas ng alon na nagsisilbing musika sa aking tenga---Ay teka!Makata na ata ako ah....😂✌️
Sa subrang peaceful ng lugar na to,diko na namalayang nakatulog na pala ako...
"M-Miss?Miss?A-Aray!M-miss!"
Sino ba yang Miss ng Miss,hindi ko naman siya namimiss ah.Mais.
Inis kong iniwaksi ang kamay nito na pilit hinahawakan ang braso ko.
Bwisit!Natutulog yung tao eh!
"M-Miss!Argh!Help...Please...Help..."
Napamulat ako ng bigla nalang may kumalabog sa gilid ko,agad akong napaupo.
Halos lumuwa ang mga cute kong mata ng may isang poging nilalang ang nakahandusay sa gilid ko.Topless!
Diyos ko!Ano bang meron sa dagat ngayon at kay raming tinatangay na pogi papunta sa isla namin?!At ako pa talaga ang nakakakita ah!
"K-Kuya...Kuya,gising.Uy!"pilit kong niyoyugyug ang balikat niya.
Nakatihaya yung mama kaya kitang kita ko ang abs.
Diyos ko!Masusunog ang mga cute kong mata!
"Kuya!Mama!Pogi!UYYYY!"hanggang sa niyugyug ko na talaga ng bongga yung dalawang balikat niya.
Bwisit ayaw pa rin talaga magising!
Kumuha ako ng tubig dagat saka iniligo sa mukha niya.Hekhek,sensya na kyah pogi ah?
Pero kahit ata lunurin ko pa to hindi talaga magising-gising.
Eto,tignan natin kung hindi ka pa magising.
Bwahahahhaha!
Pumwesto ako sa kabilang gilid niya saka pinatunog ang kamao ko.
At...
"PAKKKKK!!PAKKK!"
Sinampal ko siya,magkabilang gilid.
At ayun!Agad napa upo.
"Where am I ?!"
Aruydiyoskoooo!
Anader Englisher na naman?!Di ko na to keri!
Napakamot ako sa sintido ko saka nag iwas ng tingin ng makita kong pulang-pula ang magkabila niyang pisnge,pero agad ko rin siyang hinarap ng malawak na nakangiti.
"Hi!I'm Diana del Pilar,20!Isla Ganda,Philippines!"masigla kong sabi sabay wave-wave,yung parang ginawa ko ng makilala ko si Dy--Ay!Ba't ba nasali yun?!
At gaya ng reaksyon ni Dy ng makita niya ang beauty ko for the first time,natulala din.Naks!
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi niya pa rin inalis ang tingin sakin.
Diyos ko!Gusto kong mag flip ng aking hair!Ganda ko talaga!
"Ahemm!Hellow?!Iz deyr samwan deyr?Yohoo!"pabebe kong tawag kay kyah pogi.
Minsan napapaisip ako,malandi na ba ako sa lagay na to?O sadyang blessed lang talaga ako kasi puro pogi yung nakakasalamuha ko?Naks!
Buti naman natauhan si kyah saka walang anu-anong inilahad ang kamay niya sakin.
"I'm Blake,you?"
Diyos ko!Slang!
"Ehehe,sinabi ko na diba?Diana."sabi ko sabay abot sa kamay niya saka nagshake hands.
Akalain mo nga naman,parang natulog lang ako ah,pero pogi yung natagpuan ko.Hekhek.
"Nice to meet you,Diana."tumayo siya saka nagpalinga-linga."Where are we?"tanong niya habang sapo-sapo ang ulo,sumasakit siguro.
Yung totoo,binge ba'to?Nagpakilala na nga ako kanina diba?O baka sadyang nabighani lang talaga siya sa beauty ko kaya wala siyang narinig.
Nakuu..gusto ko ulit mag flip ng hair!
"Welcome to Isla Ganda,kasing ganda ko!Pero donchaworry you are still in the beautiful country of Philippines,na kasing ganda ko rin."sabi ko sabay spread ng arms na parang sa movie na nakita ko,yung lumubog yung barko.
Mahina siyang napatawa habang nakatingin sakin,inalis niya na rin yung pagkakahawak niya sa ulo niya.
Naks!Kikiligin na ba ako?Ako na ata ang happiness nito eh.Hehehe.Landee!
"Ahehehe"inipit ko yung imaginary hair ko sa tenga."Gusto mong pumunta sa bah-----"
"My!"
Sabay kaming napalingon sa dumating.
Dy.
to be continued...
BINABASA MO ANG
Island
FanfictionAng tagal ko nang hinahanap ang taong para sa'kin. Tahimik na naghihintay, tahimik na nananalangin. Yun pala sa DALAMPASIGAN ko lang siya matatagpuan habang nakadapa sa buhangin. --- Another 'MayWard' Fanfic